Truck driver at helper huli sa aktong nagsa-shabu

Kalaboso ang truck driver at truck helper matapos maaktuhang nagsa-shabu sa loob ng isang trak sa Valenzuela City, kahapon ng hapon.
Ala-1:15 ng hapon nang makatanggap ng tawag mula sa concerned citizen ang Valenzuela Police Community Precinct-1 kaugnay sa nagaganap umanong pot session sa loob ng trak na nakaparada sa isang gas station sa Paso de Blas.
Nirespondehan ito ng mga tauhan ng PCP-1 kung saan nahuli sa akto ang mga suspek na sina Richard Tecson at Jonathan de Guzman, na gumagamit ng ilegal na droga.
Narekober sa mga suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalias.





Comments