top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Siksik ang tulong ng PSC sa koponan ng Phl Paralympic

Gerard Ace
Feb 24, 2020
1 min read

Walang humpay ang ipamamahaging tulong ng Philippine Sports Commission (PSC) sa National Paralympic Team kasunod ng pagbigay kay Asian Games gold medalist Ernie Gawilan ng isang silya para sa 2020 Tokyo Paralympics.

Bilang isa sa mga pangunahing pinagmumulan ng medalya sa Para Games, nakasiguro ng isang slot si Gawilan mula sa International Paralympic Committee (IPC) mula sa nalikom nitong mga puntos galing sa mga kumpetisyong nilahukan sa 2018 Asian Para Games at 2019 World Para Swimming Championships.

Sang-ayon sa patuloy na suportang ipinamimigay ng PSC sa kampanya ng Philippine Sports Association para sa pinansiyal na tulong at pandaigdigang paglalaro ng mga atleta ng Philippine Paralympic Committee (PPC).

Patuloy na nag-eensayo si Gawilan, bilang parte ng National Paralympic Swimming Team sa bagong tayong Aquatic Center sa New Clark City sa Capas, Tarlac.

Nito lamang Enero ay nagbigay ng tulong pinansyal ang ahensya ng pampalakasan ng halos P800,000 para sa training venue rental, allowances, meals at accommodation expenses sa national para-swimming team, women’s basketball team at para-sitting volleyball team.

Umaasa ang PPC na magkakaroon pa ng susunod sa yapak ni Gawilan na may malaking tsansa na makakuha ng slot sa Olympiada.

Ang promising bet na si Gary Bejino ng para-swimming ay may pagkakataon na masukbit ang isa pang silya sa Summer Paralympic Games mula sa kabutihang ipapamahagi ng bipartite process, na kung saan posibilidad ring matanggap ng ibang atleta sa ibang larangan ng pampalakasan.

“We are expecting more slots to be opened by each international federation (IF) per sport,” saad ni PPC Executive Director Dennis Esta.

Higit na umaasa ang ahensiya ng pampalakasan na madaragdagan pa ang mga kuwalipikadong atleta sa darating na quadrennial multi-sport event.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page