top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Senado, nababagalan.. Marawi rehab, ‘wag itulad sa ‘Yolanda’

Mylene Alfonso
Feb 24, 2020
1 min read

Nababagalan at hindi natutuwa si Senador Christopher ‘Bong’ Go at mga kasamahan nito sa Senado sa ginagawang rehabilitasyon sa Marawi City na umaabot na sa mahigit dalawang taon.

Kasama ni Go sina Senators Imee Marcos, Migz Zubiri, Francis Tolentino at Ronald dela Rosa, sinilip nila ang naturang rehabilitasyon kaugnay ng giyera noong 2017.

“Ayaw po nating mangyari ang pagbangon ng Marawi matulad sa Tacloban, Leyte na tinamaan ng Bagyong Yolanda pero, hanggang ngayon ay hindi pa talaga totally naaayos dahil kulang sa suporta ng nakaraang administrasyon”, ani Go.

“Nand’yan naman ang pondo. Nagamit na ba? Mabagal ba ‘yung releases kaya halos hindi umuusad itong rehabilitasyon?”, tanong ng senador. Hinikayat din nito ang concerned agencies na bilisan na ang pagsasaayos ng Marawi dahil nariyan naman ang pondo at mga donasyon mula sa private sectors at tulong mula sa ibang bansa.

“Marami sa mga taga-Marawi ang nasa Maynila na naghihirap doon dahil dito ang kanilang kabuhayan talaga pero, nagtitiyaga at naghihintay sa pagtatapos nitong rehabilitasyon para makauwi na sila”, pahayag pa ni Go.

“Hindi po istilo ni Pangulong Duterte na mag-iwan ng proyekto nang nakatiwangwang dahil gusto niya matapos ang lahat ng ito bago siya bumaba para makabalik na ang mga taga-Marawi dito, mamuhay nang normal muli,” hirit pa ng senador.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page