Saleslady, 2 pa tiklo sa P3-M shabu

Kalaboso ang isang saleslady, gayundin ang dalawang iba pa sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Novaliches, Quezon City.
Nabatid mula sa PDEA-National Capital Region na aabot sa P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam mula sa mga suspek na sina Karen ‘Michelle’ Leal, 32, at dalawa umano nitong kasabwat na sina John Rhens Timing y Aguelloso, 20, at Jason Ymalay y Villares, 26.
Nadakip ang tatlo alas-4:30 ng hapon ng Sabado makaraang pumayag si Leal na makipagkita sa PDEA agent na nagpanggap na bibili ng ilegal na droga sa isang convenient store sa Bgy. Kaligayahan.
Nasamsam ang tinatayang 500 gramo ng pinaniniwalaang shabu mula sa mga suspek. Nakuha rin ang isang analog na cellularphone at buy-bust money.





Comments