Pole vaulter Obiena, hindi nababahala sa Olympics
- Gerard Ace
- Feb 24, 2020
- 2 min read

Tiwala si 2020 Olympic-bound Ernest “EJ” Obiena na kaya nitong makipagsabayan sa mga dekalibre at mas mahuhusay na Pole Vaulter sa ibang bansa sa darating na Summer Games sa Tokyo, Japan.
Kasunod ito ng panibagong talang nagawa ni World number 1 Armand Duplantis sa nagdaang Glasgow Indoor Grand Prix noong nakaraang linggo sa Emirates Arena sa Scotland na 6.18-meters. Dalawang magkasunod na beses winasak ng US-born Swedish ang rekord na nailista noon ni Frenchman Renaud Lavillenie na 6.16-meters sa Donetsk, Ukraine noong Pebrero 2014.
Unang beses naimarka ng 20-anyos lamang na Pole Vaulter ang rekord na 6.17-meters na tinalon sa Torun, Poland, isang linggo matapos kunin ang bagong marka.
“Awesome. He is jumping really well. I have mad respect with his ability and special showing it now,” wika ni Obiena sa panayam ng BULGAR sa messenger. “However, my chances are as good as his. I know my weakness and what I can do if I would be able to fix them. I always believe that the moment you step on the stadium. It all boils down to whoever wants it the most. Everyone has the same chances as the others and everyone who set foot in the track have worked hard to get there,” dagdag nito nang matanong hinggil sa plano nitong matapatan ang Lafayette, Louisiana-native.
Tanggap nito na kahit man malayo ang agwat ng sistemang pantulong ng Pilipinas pagdating sa mga atleta kung ikukumpara sa mga dayuhang bansa, lahat umano ay kaya niyang gawin upang matupad lang ang mga nais nito sa sarili at sa bansa.
Kasalukuyang nasa ika-15th spot ang 30th SEAG gold medalist sa world rankings na pinamumunuan ni Duplantis, two-time world champion Sam Kendricks ng US, Poitr Lisek ng Poland, Lavillenie at 2016 Rio Olympics gold medal winner Thiago Braz ng Brazil.





Comments