top of page

Palagi pa ring napapanaginipan si ex kahit may bago nang pamilya, sign na todo-hinayang dahil hindi

  • Socrates Magnus
  • Feb 24, 2020
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Faith na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor, May ka-live-in partner ako at may anak na kami. Bakit palagi kong napananaginipan ‘yung ex ko? Sa totoong buhay, kakakasal lang ng ex ko.

Naghihintay, Faith

Sa iyo, Faith, Panghihinayang ang mababasa sa iyong unconscious mind. Ibig sabihin, sinasabi ng sarili mo na sana, ang ex mo ang nakatuluyan mo. Isang malinaw na palatandaan ito na sa inyong paghihiwalay, ikaw ang may kasalanan o pagkakamali, pero hindi naman ibig sabihin na siya rin ay walang kasalanan o hindi nagkamali.

Ang ganitong saloobin ay nagbibigay din ng mensahe na ang iyong mga pagkukulang ay hindi sapat para kayo ay tuluyang magkahiwalay. Kumbaga, masasabing minor o maliliit lang ang mga dahilan na sana ay naayos o naituwid ng bawat isa.

Ngayong ikaw ay may karelasyon na at may isa kayong anak, mas magandang kumuha ka ng mga aral sa iyong nakaraang relasyon na hindi lahat ng kasalanan na nagagawa ng tao ay hindi na napapatawad.

Minsan kasi, sobrang sama ng dating ng salitang kasalanan o pagkakasala na para bang ang tao ay makasalanan at siya ay hindi na nakagagawa ng tama o mabuti. Ganundin ang pagkakamali, hindi lahat ng pagkakamali ay hindi na naitatama. Ang totoo nga, kahit gaano kalaki ang pagkakamali, may kakayahan ang tao na muli itong ituwid.

Suriin mo ang iyong buhay, kapag nakagawa ng pagkakamali o kasalanan ang karelasyon mo, huwag mo agad siyang ituring na sobrang sama o makasalanan.

Simple naman ang ibig sabihin ng makasalanan, ito ay ang taong nabubuhay sa pagkakasala, pero ang taong nagkasala ay hindi kabilang sa taong makasalanan. ‘Yan ang dapat mong maunawaan nang maging panghabambuhay ang inyong relasyon.

Sa panig mo naman, kapag nakagawa ka ng kasalanan, ikaw din ay hindi kabilang sa makasalanan dahil kahit isa, dalawa o tatlong kasalanan ang magawa mo, ibig sabihin lang din ay “nagkasala” o nakagawa ka ng kasalanan. Higit sa lahat, huwag mo ring kalimutan na humingi ng tawad dahil ito ang kaibahan ng makasalanan sa "nagkasala lang" dahil sa una, siya ay hindi marunong humingi ng tawad.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page