top of page

Knows n‘yo ba ‘to, guys? Mga bagay na lamang ng babae sa lalaki

  • Fely Pedral-Ng
  • Feb 24, 2020
  • 2 min read

Fely Pedral-Ng / Buhay, Pag-ibig at Pamilya

Napapansin mo bang agad na nag-iinit ang ulo ni mister kapag nakita niyang atubili o duda ka? Naiinis kapag hindi niya agad maiayos ang mga bagay na ga-gamitin? Naiirita kapag may napanood o nakitang sitwasyon na sa tingin niya, kailangan ang kanyang opinyon?

Well, may ilang rason kung bakit ganyan kaigsi ang kanilang pasensiya, habang ang mga babae, cool at relax lang. Anang brain and gender expert na si Pierce J. Howard, Ph.D., co-author ng The Owner’s Manual for Personality at Work, napatunayan sa pag-aaral na ang mga babae ay…

1. MATALINO. Base sa isang pagsusulit, mas mataas ng 3% sa general intelligence at mas aktibo ang ibang bahagi ng brain ng babae na sumagap ng impormasyon para sa mga bagong kaalaman.

2. MAPAGPASENSIYA. Mapapansin na kapag nasa krisis ang lalaki ay aligaga, samantalang ang babae, tinitimbang muna ang sitwasyon bago magdesisyon.

3. HIGIT NA MAPAG- OBSERBA. Nasasagap ng babae ang mga pinakamaliliit na detalye na nagaganap sa kanyang paligid. Natural na katangian lamang ito ng isang babae lalo na kung involved ang kanyang mga anak.

4. MAGALING MAGBASA NG ISIPAN. Madalas na alam ng ina kung ang kanyang anak o asawa ay nag-loloko, samantalang ang lalaki, hindi tamang duda.

5. MAS MAHUSAY MAGSALITA, MAGSULAT AT MAKINIG. Napag-alaman ng mga researchers na parehong nagagamit ang lohikal, berbal na kakayahan at emosyon habang nagsasalita, nagsusulat at nakikinig ang babae, samantalang ang lalaki ay naka-focus lamang sa isang bagay.

6. MAS MATATAG SA KRISIS. Hindi lang higit sa 5 taon na mas mahaba ang buhay ng mga babae, may matatag din na damdamin para harapin ang mga krisis o trahedya. Dahil sa mabagal na metabolismo, mas matiisin ang mga babae.

7. HIGIT ANG HUSAY SA PAGDETERMINA NG KULAY. Ang bilang ng color detecting cones na nasa likod ng ating retina ay may kaugnayan sa bilang ng X chromosomes. Ayon sa siyentipiko, mas marami ang cones ng mga babae bukod pa sa dalawa ang X chromosomes kaya higit ang abilidad na makakita ng pagkakaiba ng kulay.

8. MAS TALENTADO, ELEGANTE AT MAS MAY TASTE. Pagdating sa performance test, higit na makinis ang motor coordination ng babae kaya naroon ang husay sa proyekto, tulad ng pagsasayaw, pagkanta, pag-arte at iba pa.

9. MATANDAIN. Sa gabi pa lang, bago lumakad kinabukasan ay iniisip na kung sinu-sino ang makasasalamuha at kung paano sila kakausapin. Ayon kay Thomas Crook, Ph.D., halos lahat ng uri ng memory test, pasado ang kababaihan, lalo na kung sasamahan ng emosyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page