Kaya sinugod ng DDS… Dialogue ni Rita: Ako mismo ang papatay kay Duterte!
- Nitz Miralles
- Feb 24, 2020
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Sobra ang galit kay Rita Avila ng ibang mga supporters ni President Rodrigo Duterte dahil sa linya niya sa pelikulang Walang Kasarian ang Digmang Bayan na ipinull-out sa Sinag Maynila. Pinersonal ng mga ito ang dialogue ni Rita na “Kung matapang lang ako, ako mismo ang papatay kay Duterte.”
Sinugod si Rita sa Instaram ng mga supporters ni Pres. Duterte, minura siya, at may malalaswang salita na ipinarating sa kanya na kahit ang pangulo ay ‘di matutuwa kapag nabasa.
Sagot ni Rita: “Watch the movie, understand why my character said the line. Intindihin muna kung bakit may ganu’ng linya sa istorya. Again, it was my character who said the line, not me as a person. Uulitin ko po, HINDI KO MAGAGAWANG SABIHIN ANG LINYANG ‘YUN SA PRESIDENTE SA TOTOONG BUHAY. Ni hindi ko makukurot ang Presidente. Ni hindi ko siya mamumura sa totoong buhay. Parang ‘yung mga high sa drugs lang ang matatakot sa isang linya sa pelikula.”
Pero, mukhang hindi na mapapanood sa Sinag Maynila ang pelikula na written and directed by Jay Altarejos dahil ipinull-out na nga at in-announce na ito.
Nanawagan na si Direk Jay kay Director Brillante Mendoza, pero open siya kung sa internet na lang maipalabas ang kanyang pelikula.





Comments