top of page
Sen. Robin Padilla - FB.jpg

Kaya iwas-iwas din sa mga taong toxic... Masamang epekto sa pag-iisip at sa kalusugan ng pagiging re

  • Jersey Sanchez
  • Feb 24, 2020
  • 2 min read

May mga pagkakataon talaga na hindi natin maiwasang magreklamo dahil sa iba’t ibang bagay. Well, kahit papaano ay may mabuti naman itong naidudulot dahil minsan, nabibigyang-pansin ang ating inirereklamo. Pero hindi sa lahat ay oks ito.

Alam n’yo ba na ang pagiging malapit sa taong reklamador ay may masamang epekto sa atin?

Weh, ‘di nga?

Ang pagko-complain o pagrereklamo ay may mabuting dulot, pero hindi sa lahat ng oras ay oks ito dahil sa totoo lang, nakasasama rin ito sa atin.

Bagama’t, paraan ito ng paglalabas ng stress o saloobin, hindi na ito nakabubuti kapag palaging ginagawa, gayundin, kung “chronic complainers” ang nakapaligid sa atin, may masama itong naidudulot sa ating kalusugan at emosyon.

Ayon sa mga eksperto, kapag nagrereklamo tayo at napaliligiran ng mga reklamador, hindi tayo nagiging masaya. Gayundin, ayon kay Jon Gordon na sumulat ng librong The No Complaining Rule, ang masamang epekto ng pagrereklamo ay maihahalintulad sa epekto ng second-hand smoking.

Dagdag pa rito, kung wala tayong ibang ginagawa kundi ang magreklamo o makarinig ng reklamo ng ibang tao, maaari tayong maging miserable.

Halimbawa, lumaki tayo sa environment kung saan walang pinalalampas na bagay ang mga tao sa paligid natin, ‘yung tipong kahit maliit na bagay ay kailangang pansinin at magreklamo kahit hindi naman sila apektado.

Dahil dito, maaari tayong gumaya sa ganitong habit na hindi magandang madala sa ating pagtanda.

Samantala, bagama’t, walang masama sa paglalabas ng saloobin paminsan-minsan, ang gawaing ito ay nagiging negatibo at sa totoo lang, hindi natin ito kailangan sa ating buhay.

Sabi nga nila, walang may gustong makisama sa mga taong palaging nagrereklamo at kahit mukhang harmless ito o walang masamang epekto, kapag nakasanayang gawin ang paglalabas ng negatibong sentimyento, may mga negatibo na itong kapalit.

Hindi lang dahil nakaka-turn-off ito kundi dahil nagdudulot ito ng iba pang damage sa ibang paraan. Bukod sa obvious na nakasisira ng mood at happiness ang pagrereklamo ng mga nasa paligid mo, may epekto rin ito sa brain and body functioning.

Alam n’yo na, mga bro at sis? Kaya kung ayaw n’yong maapektuhan, make sure na lilimitahan n’yo ang pagrereklamo at paglapit sa mga taong mahilig magreklamo.

Gayundin, ‘wag kalimutan na hindi masamang magreklamo paminsan-minsan, pero alamin natin kung healthy pa ba ito o hindi na. Okie?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page