Hindi lang pala mga Katoliko... Mga relihiyong nagsasagawa rin ng Ash Wednesday
- Sr. Socrates Magnus II
- Feb 24, 2020
- 2 min read
Bigyang-daan natin ang ilang mga kaalaman tungkol sa Miyerkules de Abo o Ash Wednesday.
Sa ika-26 ng Pebrero ay Ash Wednesday na kung saan nakaugalian nang magsimba ng mga Katoliko at ang numero-unong layunin ay ang malagyan ng abo sa noo.
Isang banal na tradisyon ito ng Inang Simbahan na nagpapaalala na ang tao ay mula sa alabok at nagbibigay-diin sa paniniwalang ang lahat ay mula sa lupa kaya siya ay may pisikal na katawan. Ito rin ay nagpapatunay na ikaw na nanggaling sa lupa ay babalik o uuwi rin sa lupa.
Alam mo ba na hindi lamang Katoliko ang may Ash Wednesday?
Ito rin ay isinasagawa ng mga Protestants tulad ng Lutherans, Anglicans, some Reformed Churches, Baptists, Nazarenes, Methodists, Evangelicals and Mennonites.
Nakagugulat ang katotohanang ito dahil marami sa mga Protestante ang nakikipagtalo na ang Miyerkules de Abo ay hindi dapat ginagawa ng mga Kristiyano, pero sa totoo lang, ang mga mahilig sa debate ay kapos sa kaalaman sa tunay na aral at katuruan ng kanyang kinabibilangang grupo.
Minsan, may mga makabasa lang ng Bible ay aakalain na siya o sila ay marunong na sa mga aral ng Kristiyanismo at ipagpipilitan na dahil hindi makikita sa Bible ang Miyerkules de Abo ay ayaw na nila.
Ang ganitong maling akala ay nag-ugat sa kawalan ng kaalaman sa kasaysayan ng mga unang Kristiyano kung saan ang mga ito ay nagwiwisik ng abo kapag dumarating ang Ash Wednesday.
Ang talagang problema ay ang nakabasa lang ng konti sa mga verses sa Bible, akala mo na ay marurunong na sila. Kumbaga, little learning is a dangerous thing.
Isang tradisyon na ang pagwiwisik ng abo sa mga Kristiyano, kaya kung ikaw ay Kristiyano, maglagay o magpawisik ka ng abo sa noo o sa ulo sa Ash Wednesday.
Noon, sa mga unang Kristiyano, ang pagwiwisik o paglalagay ng abo ay ginagawa ng Monday at hindi Wednesday at ito ay isinasagawa sa Greece at Cyprus. Gayunman, pareho lang din ang diwa na ang tao ay mula sa alabok at sa alabok din babalik.
Kabilang sa tradisyon tuwing Ash Wednesday ay bawal kumain ng anumang karne at kung puwede rin ay bawal muna ang pagtatalik. Bukod sa mismong araw ng Ash Wednesday, ang mga Biyernes sa panahon ng lenten period ay bawal ding kumain ng anumang karne.
Sa mismong araw ng Miyerkules de Abo, ang lahat ay nagpa-fasting kung saan ang sinasabing fasting ay hindi kakain, pero ang fasting na ating pinag-uusapan ay puwedeng kumain ng one full meal at dalawang smaller meals sa buong araw.
May isang klase ng fasting na para naman sa mga banal na tao o mistiko, yogi o mga nagpapraktis ng mga karunungang lihim at ito ay ang hindi kakain ng kahit ano, pero puwedeng uminom ng tubig o likido.
Magandang isabuhay ng bawat isa ang tradisyon ng Ash Wednesday dahil muli, ito ay nagpapaalala na ang lahat ng tao ay mula sa alabok at babalik din sa alabok.
Good luck!




Comments