Happy daw para sa co-coach sa The Voice, Mommy Divine… Lea, bilib na bilib na naisikreto nina Sarah
- Vinia Vivar
- Feb 24, 2020
- 1 min read

Aminado si Lea Salonga na shocked siya sa kasalang Sarah Geronimo-Matteo Guidicelli na naganap last Thursday just right after ng taping nila ng The Voice Teens.
Ayon kay Lea sa kanyang panayam kay MJ Felipe ng ABS-CBN, wala raw nakakaalam sa kanila sa The Voice na ikakasal na si Sarah G. Sina Lea at Sarah ay parehong coach ng The Voice Teens along with Bamboo Mañalac and Apl.de.Ap.
“I am shocked. None of us knew. None of us on the show, none of us from the network, but I’m happy, happy for her,” pahayag ni Lea.
At the same time ay humanga si Lea sa ginawa nina Sarah at Matteo.
“To be able to pull it off, that’s a feat. That is a crowning achievement for both of them. Na talagang naisikreto nila, na they knew who to trust,” she said.
Bulalas pa ni Lea patungkol kay Matteo, “This guy really loves her (Sarah)!”
Pero ang malaking tanong ng lahat ay nasaan daw kaya ngayon sina Sarah and Matteo. After the kasalan kasi ay biglang nakabibinging katahimikan naman mula sa dalawa and the only time na nagsalita ang aktor ay the following night kung saan ay itinanggi niyang sinuntok niya ang security guard ni Sarah.
Pagkatapos nu’n ay wala pa tayong naririnig mula sa bag
ong kasal kaya inaabangan ng lahat ngayon ang next taping ng The Voice Teens.





Comments