top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Dating kalaban ni Pacman, dinakip sa weigh-in ng Wilder-Fury fight

MC
Feb 24, 2020
1 min read

Nadakip si dating welterweight champion Adrian Broner sa kasagsagan ng weigh-in ng mga heavyweight champions na sina Deontay Wilder at Tyson Fury sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas noong Sabado.

Samantala, nagwagi si Tyson Fury upang tanghaling heavyweight world champion makaraang tigpasin si Deontay Wilder sa bisa ng isang nakatutulig na seventh-round stoppage sa kanilang World Boxing Council title rematch kahapon.

Si Broner ang dating tinalo ni Manny Pacquiao noong Enero 2019. Dinakip si Broner ng Las Vegas police dahil na rin sa ayaw nitong umalis sa naturang arena.

Ban kasi si Broner sa MGM Grand dahil daw sa panggugulo noong Nobyembre nang labanan si Canelo Alvarez.

Makaraang madala sa presinto si Broner ay pinalaya rin ito bagama’t may kasong misdemeanor trespassing.

Nangyari ito sa kasagsagan ng paghahanda sa giyera kahapon nina Wilder at Fury na pawang mga isinalang sa weigh in kung saan tumimbang si Fury ng 273 pounds habang si Wilder ay nasa 231.

Dinumog ng fans ang MGM Grand kahit kinabukasan pa ang laban dahil na rin sa inaabangang mahigpit na rivalry sa heavyweight championship.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page