top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Bordeos, una sa 1st stage ng 129.5-km. Ronda Pilipinas

A. Servinio / ATD
Feb 24, 2020
2 min read

Sorsogon City – Itinanghal si

ng Bicycology Shop-Army na kampeon ng unang yugto ng LBC Ronda Pilipinas 2020 10th Anniversary race matapos niyang talunin ang tatlong beteranong siklista sa 129.5 kilometrong karera sa isang mainitang pagtatapos. Bihirang mabanggit sa mga usapan bago ang karera, tinodo ni Bordeos ang kanyang mga padyak sa huling kilometro upang maunahan sina Jerry Aquino ng Scratch It, Rustom Lim ng 7-Eleven CLIQQ Air21 at George Oconer ng Philippine Navy-Standard Insurance.

Lahat ng apat ay binigyan ng parehong oras na 3:06:07. Subalit ang 24-anyos na si Bordeos ang susuot ng pulang jersey bilang sagisag ng kanyang pagiging overall leader ng karera na may nakatayang P1-M gantimpala sa kampeon.

“Alam ko bubuwelo si Kuya Mac, (Galedo) kaya ang ginawa ko nasa likod lang muna ako, sabi ko kaya ko ito kasi kondisyon ako,” kuwento ni private first class sa Army na si Bordeos, 24-anyos.

Inirehistro ni Laoac, Pangasinan native Bordeos ang tatlong oras, anim na minuto at 7 segundo sapat upang isuot ang Red Jersey ngayon sa Stage 2, 163km Sorsogon-Legazpi.

Nakapasok sa top ten sina Jerry Aquino Jr.,(SIT), Rustom Lim, (7Eleven), George Oconer, (Navy), Galedo, (7Eleven), Aidan James Mendoza, (7Eleven), Jan Paul Morales, (Navy) Marcelo Felipe, (7Eleven), Mervin Corpuz, (7Eleven) at Alvin Benosa, (CCT).

Maaga pa lang ay puno na ng aksyon matapos pamunuan ni Mark Lexter Galedo ang unang pulutong na kumalas. Ito ang pagbabalik sa pagkakarera ng 2012 kampeon matapos ang apat na taon subalit bigla siyang kinapos at nagtapos sa ika-limang puwesto sa oras na tatlong segundo ang agwat sa mga nauna, 3:06:10.

“Mark’s victory is the product of the entire team’s hard work and perseverance. We knew this win was bound to happen, sooner or later. That it came right on the first day of the Ronda Pilipinas means more and bigger challenges ahead, because everyone will now set their eyes on us. It is now up to us how to respond,” ayon kay Army-Bicycology Shop team manager dating swimming champion Eric Buhain. “That’s a very good start, and it’s proof that our team is ready to race. But there is a lot of work ahead, we must keep our focus.”

Kahit nabigo, nanguna si Galedo sa labanan para sa King of the Mountain. Sinundan siya nina Jan Paul Morales ng PNSI at Alvin Benosa ng Celeste Cycles at mga magkakampi sa 7-Eleven na sina Aidan James Mendoza, Marcelo Felipe at Mervin Corpuz na tabla para sa ika-anim hanggang ika-10 na puwesto sa oras na 3:06:19.

Inilabas agad ng PNSI ang kanilang lakas sa team category na may pinagsamang oras na 12:24:55. Pumapangalawa, ang 7-Eleven sa 12:27:26 at hindi malayong pangatlo ang Celeste sa 12:27:35. Ang pangalawang yugto ngayong araw ay isang mabilisang lakbay mula Sorsogon City patungong Legazpi City at may layong 150.6 kilometro. Tiyak na markado na si Bordeos subalit gagawin niya ang lahat na manatili sa unang puwesto.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page