top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Aray ko! Coco, 'di kayang mawala si Julia kahit may Yassi na?

  • Erlinda Rapadas
  • Feb 24, 2020
  • 1 min read

Teka Nga / Erlinda Rapadas

Walang direktang inamin ang aktor na si Coco Martin sa kanyang relasyon kina Julia Montes at Yassi Pressman. Kahit mata­gal nang usap-usapan na si Julia ang “special some­one” sa buhay ni Coco, hindi na­man sila nakikitang laging magka­sama at wala rin silang ipino-post sa social media.

Nang makatambal ni Coco si Yassi, pansin na sobrang close sila sa isa’t isa. Maging ang mga co-stars nila ay nararam­daman na may “something special” kina Yassi at Coco.

Ganunman, wala namang inaamin ang dalawa sa status ng kanilang relasyon. Pero, ayon sa dalawang ma­galing na astrologist/numerologists ng BULGAR na sina Maestro Honorio Ong at Señor Socrates Magnus III, malakas ang atraksiyon sa isa’t isa nina Yassi at Coco at pareho sila ng destiny number na “4” at compatible rin ang kanilang zodiac signs.

Si Yassi ay Taurus at Scorpio naman si Coco. At da­hil madalas silang magkasama, posibleng na-develop na sila sa isa’t isa. Pero si Julia na nauugnay din kay Coco ay hindi naman ganap na iiwasan ng aktor kahit na may Yassi nang dumating. Patuloy na magiging bahagi ng buhay ni Coco si Julia.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page