50,000 bakante.. Senior citizens at PWDs, pasok sa job fair
- V. Reyes
- Feb 24, 2020
- 1 min read

Nasa 50,000 bakanteng trabaho ang binuksan ng nasa 200 kumpanya sa pinakamalaking job fair sa bansa.
Pinagunahan ng New Era University Alumni Association Incorporated (NEUAAI) ang grand job fair nitong Sabado sa NEU School of Management building sa Central Avenue, New Era sa Quezon City.
Nasa libu-libong aplikante kabilang ang mga Persons with Disabilities (PWDs) at senior citizens ang nabigyan agad ng trabaho.
Ayon kay Atty. Randy Escolango, pangulo ng NEUAAI, layunin nilang makapagbigay ng trabaho sa mga kababayan na makatutulong naman sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
Kabilang sa mga dumalo sa job fair ay ilang matataas na opisyal ng gobyerno kabilang si Commissioner Raymund Liboro ng National Privacy Commission (NPC) na sa kanyang pahayag ay pinuri ang nasabing event.
Ayon naman kay Clarence Cajiugan ng RLC Corporation, maging sila ay namangha sa mga aplikante dahil sa kanilang pagdagsa.
At upang hindi mainip ang mga nag-a-apply ay binigyan ng mini-concert ng Iglesia Ni Cristo Christian Family Organizations at nagtayo rin ng kiosk at iba pang aktibidad.





Comments