Todo-puri kay Angel noon, binanatan na ngayon… Resbak ng netizen kay Vivian: Laos ka na! inggit ka l
- Beth Gelena
- Feb 23, 2020
- 2 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Imbiyerna to the max ang ilang fans ni Angel Locsin sa dating sexy star na si Vivian Velez dahil sa ibinulgar ng huli na isa ang Kapamilya actress sa Top 100 stockholders ng ABS-CBN.
Halatang may motibo raw si Vivian sa pagsi-single out sa pangalan ni Angel dahil bakit sa dinami-dami ng Kapamilya na kasama sa listahan, si Angel nga ang ‘pinag-initan’ nito.
Hindi naman pinalampas ni Angel ang post ni Vivian at sagot ng aktres, “Hindi ko ho alam kung ano’ng intention ni Ms. Vivian sa kanyang post, pero kung ito po ang gagamitin to discredit my name and what I stand for, hindi n’yo po kailangang gawing issue. Kapag kumita po ang aking maliit na investment sa ABS-CBN, I WILL DONATE EVERYTHING TO CHARITY. Accounted.”
Nilinaw din ni Angel na hindi siya parte ng anumang political party o ‘di kaya representante ng sinumang politician. Lalong wala na raw siyang existing contract sa ABS-CBN kaya walang control ang kumpanya sa kung ano ang gusto niyang i-post.
Humingi pa ng paumanhin si Angel, “Sorry to disappoint some people, but money is not everything.”
Paliwanag pa niya, pribilehiyo raw ng mga empleyado na bumili ng shares sa network. Ang shares daw niya ay installment basis, 5 years to pay na hanggang ngayon ay ‘di pa niya nakukumpletong bayaran.
Pagdidiin pa ni Angel kay VV, “For your knowledge, maliit lang po ito. As in.” To the rescue ang mga netizens kay Angel at ilan sa mga komento nila:
“So, ano ang point mo, Vivian? And kung bumili man s’ya ng shares, ano naman? Bumili ka rin nang magkapera at kumita ka. I find Angel smart when it comes to her money. She invests and I don’t see anything wrong investing in ABS-CBN. Kasi if I had the means, I would do the same thing!”
“Who cares what VV thinks? She’s a has been. *Eyeroll*”
“Vivian Velez, at ano’ng paki mo sa pera ni Angel? Sa stocks niya? Daming pakialamera at inggitera sa earth!”
May netizen ding nagtanong kung ano ang intensiyon ng beteranang aktres gayung nagkasama na sila ni Angel sa Imortal years ago at panay ang papuri niya rito. Sinabi pa raw ni Vivian na fan siya ni Angel dahil napakabait nito.
Ang dapat na lang daw pagtuunan ng pansin ni Vivian ay ang katungkulang ibinigay sa kanya ng gobyerno. Itinalaga siya bilang director-general ng Film Academy of the Philippines. Mag-isip daw siya kung ano ang makabubuti para sa industriya nang umunlad ang film academy. Tularan daw niya ang kasipagan ni Chairwoman Liza Diño ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).





Comments