top of page

Pulis nadale ng basag-kotse gang

  • M. Santos
  • Feb 23, 2020
  • 1 min read

Isang pulis ang biktima ng dalawang hinihinalang miyembro ng Basag- Kotse Gang matapos matangay ang inisyung baril sa kanya na iniwan niya sa loob ng sasakyan sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Sa report nina PSSg. Jose Romeo Germinal at PSSg. Ernie Baroy kay Malabon Police Chief P/Col. Jessie Tamayao, alas-10:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Gov. Pascual corner Sitio Gulayan, Bgy. Catmon.

Nagtungo sa Sitio Gulayan sina PSMS Rugene Paule, 43, at PCpl. Kirshner Buendia, kapwa nakatalaga sa Station Intelligence Branch, kasama ang kanilang impormante na si Ariston, sakay ng Mitzubushi L300 para mag-serve ng warrant of arrest kontra sa wanted persons sa lugar.

Inilagay ni Paule ang inisyung baril sa kanya sa driver’s passenger seat ng kanilang sasakyan saka nagtungo sa bahay ng kanilang target habang naiwan mag-isa sa sasakyan ang impormante para bantayan ang mga gamit.

Gayunman, dahil sa nakaramdam ng pananakit ng tiyan ay umalis ang impormante at iniwang walang tao ang sasakyan.

Nang bumalik si Paule, natuklasan nito na basag na ang bintana sa driver’s side at nawawala na rin ang kanyang HK 416 Assault Rifle cal. 5.56 at sling bag ng impormante na naglalaman ng wallet, P2,000, driver’s license at SSS ID.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page