top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kita ng ABS-CBN, mga dayuhan ang nakikinabang, todo-paawa sa pagpapasara

  • Ka Ambo
  • Feb 23, 2020
  • 1 min read

MARAMI ang hindi nakauunawa ng sitwasyon ng ABS-CBN. Pumopostura silang inaapi, gayung ang net income nila ay dinadala sa mga foreign investors!

***

SOSYOHAN sa kapital ng TV station ang isyu, hindi ang press freedom. Hindi isyu kung nakatutulong sa publiko ang kumpanya. Lahat ng tao, grupo o institusyon ay tumutulong sa kapwa at hindi lang ang ABS-CBN!

***

MAY labor problem sa loob ng ABS-CBN at marami silang sinibak nang nagrereklamo ng pang-aapi. Ibig sabihin, ginagamit na panggatong sa damdamin ng taumbayan ang mga kawani!

***

KAHIT walang prangkisa, puwede namang mag-exist ang ABS-CBN. Digital na ngayon at hindi nakasandal ang multimedia sa airwaves lamang!

***

MAKABUBUTI ang problema sa ABS-CBN sa larangan ng media, mapupuwersa ang mga ehekutibo na mag-innovate at i-maximized ang modernong teknolohiya. Malaking hamon ito sa mga IT experts!

***

IBINABALA na ang krisis sa tubig at kuryente. Pero waley lang ang Malacañang!

***

INIENDORSO ni P-Digong ang local tourism. Pwes, ilibre niya ang pamasahe sa eroplano!

***

PINANDIRIHAN ang mga Tsino. Matagal na ‘yan!

***

NABAWASAN na ang biktima ng COVID-19. Siyempre, nangamatay na, eh!

***

SINUSUNOG daw agad ang mga kumpirmadong may COVID-19. Parang African Swine Fever (ASF), inililibing ang mga baboy kapag nilagnat!

***

BIGO ang China na pamahalaan ang isang bilyong tao. Kapag hindi nagrebolusyon, malilipol sila nang walang kalaban-laban!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page