Tsukii, pambato ng ‘Pinas sa World C’ships

Photo: @junnatsukiiv888
Kahalintulad ng iba pang martial arts sports, kaya ring magkaloob ang Pilipinas ng world champion sa karate. At ito ang nasa saloobin ni dating Southeast Asian Games champion at national team coach David Lay sa hinaharap.
“With the right training and proper international exposure, Filipino karatekas can also excel in this sport,” saad ni Lay sa 56th “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros, Manila noong Huwebes.
Sinabi ni Lay, siya ring chief instructor ng Karate Development Arts (KDA), na si Filipino-Japanese Junna Tsukii ang nananatiling pinakamaningning na pag-asa ng bansa sa karate sa 2020 Tokyo Olympics. “I think kailangan na lang niya (Tsukii) ng ilang medal finishes. I hope she makes it to the Olympics. I’m really happy that she is representing the Philippines, although she is half-Japanese, half-Filipina,” giit ni Lay, umangat sa sport sa ilalim ni Shin Tsukii ang father-coach ni Junna noong dekada ‘80. “Sa tingin ko, nag-improve na nang malaki ang karate dito sa atin.
Marami na ring exposure ngayon ang mga karatekas natin, unlike nu’ng panahon namin nu’ng 1987, na marami pa kaming dapat matutunan, “ dagdag ni Lay.
Inihayag din nina Lay at Rudy Ochoa ng PKTS ang paghataw ng unang Japan Karate Shoto Federation kata at kumite seminar sa Linggo (Peb. 23) sa Ali Mall sa Cubao, Quezon City. Ang event ay bahagi ng ika-20 anibersaryo ng KDA. Sinabi ni Ochoa na may 74 JKS blackbelts sa bansa at madaragdagan pa sa kasalukuyan.
“This Sunday, we expect as many as 400 to 500 participants from various JKS clubs in Metro Manila,” paliwanag ni Ochoa sa weekly sports program.
Pamumunuan ni Lay ang kata seminar sa ganap na 10:30 ng umaga habang si Ali Parvinfar ang hahawak ng kumite seminar sa kasagsagan ng KDA event. Sinabi nina Lay at Ochoa na ang kontrobersiya na nakaaapekto sa karate sa bansa ay hindi naman naging sagabal sa kanilang mga programa. “We have no problems.
We try to work together. If there’s an activity, we support each other. What’s important is ‘yung goal that we have. If our players want to play in the other group, we will not stop them and even encourage them. Respetado namin sila,” paniguro ni Lay.





Comments