top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Maribao, seeded; Supra GM So, babawi sa Online Speed Chess

  • Eddie M. Paez, Jr.
  • Feb 22, 2020
  • 1 min read

Pinangungunahan ni untitled woodpusher Alexis Emil Maribao ang pangkat ng mga dehadong entries na bumabandera sa 75th Philippine National Chess Championships National Capital Region Elimination leg sa Pasay City.

Pagkatapos ng apat na rounds, ang kartada ni Maribao, 12th seed lang sa torneo dahil sa mababang rating na 2053, ay isang malinis na apat na panalo, walang tabla at walang talo.

Kasama rin sa trangko ni Maribao ang iba pang mga chessers na may mababang seedings tulad nina no. 14 Jayson Danday, no. 18 Efren Bagamaspad, no. 46 Neil

Richmond Miranda at no. 127 Joeben Jones Balitos. Tanging sina 2nd ranked Jeth

Romy Morado at 5th ranked Jonathan Jota ang mga seeded sa top 10 na nakasabay sa mga nabanggit na dehadong kalahok.

Si topseed at International Master John Marvin Miciano (rating: 2346) ay kasalukuyang nakaupo lang sa pang-16 na baytang dahil sa tatlong puntos pa lang ang kanyang naipon habang si 3rd seed IM Ronald Bancod (rating: 2257) ay nakasalampak sa pang-46 na posisyon matapos lang itong makaipon ng 2.5 puntos.

Samantala, puntirya ni World Random Fischer champion Grandmaster Wesley So ang paghihiganti kapag sumagupa siya kay GM Hikaro Nakamura sa kampeonato ng online Speed Chess. Noong 2018, nabigo ang dating hari ng Philippine chess para makakuha ng Speed chess title at si Nakamura rin ang bumiktima sa kanya sa iskor na 12.5-15.5.

Pangatlong salang na ito sa finals ni Nakamura samantalang pangalawang biyahe naman ito ni So. Sariwa si So sa isang 3rd place performance sa 2029 Tata Steel Chess.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page