top of page

Kaya hindi dapat maging atat... Lalaking never mababasted kahit sino pa ang ligawan

  • Maestro Honorio Ong
  • Feb 22, 2020
  • 2 min read

Maestro Honorio Ong

Katanungan

1. May nililigawan ako, kaya lang, mukhang hindi pa siya handa na sagutin ako dahil sinabi niya na nag-aaral pa siya at tinanong niya ako kung makapaghihintay ako hanggang sa makatapos siya ng pag-aaral.

2. Magbubunga kaya ang paghihintay ko kung sakali o mas makabubuting manligaw na lang ako sa iba para magka-girlfriend na ako?

3. Sa palagay n’yo, Maestro, kailan kaya ako magkaka-girlfriend at ito na bang babaeng nililigawan ko ang magiging first girlfriend ko kahit na may pagka-conservative? Kasagutan

1. Sabi nga ng matatanda, “Kapag may tiyaga, may nilaga,” kaya habang nagtitiyaga kang maghintay sa iyong nililigawan, malaki ang pag-asang darating din ang tamang panahong magugustuhan ka niya hanggang sa tuluyang sagutin at mahalin ka na rin niya nang walang pag-aalinlangan.

2. Pansining wala namang bilog, hindi rin nalatid, sa halip, ikaw ay mapalad dahil pinagkalooban ka ng maganda at okey sa alright na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad na nagkataong nakatuntong pa ang nasabing “guhit ng damdamin” sa Mount of Jupiter na tinatawag din nating Bundok ng Kaligayahan (arrow b.).

3. Ito ay malinaw na tanda na sa larangan ng pag-ibig, ganundin sa aspetong pang-emosyunal, walang gaanong kabiguan, pagluha o frustration kang mararanasan, kaya kahit ano ang maging desisyon mo, mas maganda kung maghihintay ka sa babaeng nililigawan mo na makatapos siya ng pag-aaral.

Kung manliligaw ka naman sa iba, sa bandang huli, pareho rin ang magiging resulta, palagi nang papabor sa iyo ang kapalaran — walang pagka-busted na itatala sa iyong karanasan, sa halip, palaging positibo at magiging maganda ang karanasan mo sa larangan ng pag-ibig at pakikipagrelasyon.

4. Ang pag-aanalisang smooth na smooth at maayos ang magiging takbo ng iyong karanasan sa larangan ng pag-ibig at pakikipagrelasyon ay madali namang kinumpirma at pinatunayan ng simple at maayos mo ring lagda.

Ibig sabihin, ikaw ay nagtataglay ng simpleng buhay, panliligaw at simpleng-simple ka rin na magkaka-girlfriend kung saan ikaw lang ang magpapasya kung maghihintay ka sa nililigawan mong babae o manliligaw ka sa iba. Tulad ng naipaliwanag na, pareho ang magiging hantungan ng lahat — magkaka-girlfriend ka at sa pakikipagrelasyong papasukin, walang duda, habambuhay kang magiging maligaya. Mga Dapat Gawin

1. Anzel, kung totoong mahal mo ang iyong nililigawan, dapat hintayin mo siyang makatapos ng pag-aaral at kapag nakapagtapos na siya, ang kanyang diploma at ipinupundar na career ay mapakikinabangan din ng itatayo n'yong pamilya balang-araw.

2. Samantala, anuman ang mangyari, hindi rin mapipigil ang nakatakda, sa susunod na taong 2021 sa edad mong 23 pataas, magkaka-girlfriend ka na at sa pakikipagrelasyong nabanggit, tulad ng inaasahan, sinumang babae ang makarerelasyon mo, magiging maligaya ka hanggang ang nasabing pagmamahalan ay tuluyan ding mauuwi sa maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya, (Drawing A. at B. 1-M arrow c.).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page