top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

20 miyembro ng BIFF, sumurender

  • Pabs Hernandez III
  • Feb 22, 2020
  • 1 min read

North Cotabato — Dalawampung miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumuko kamakalawa sa pamahalaan sa bayan ng Carmen.

Para sa kanilang seguridad, hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga teroristang sumuko sa headquarters ng Philippine Army (PA) sa nasabing lalawigan.

Nabatid na isinuko rin ng mga miyembro ng BIFF ang kanilang mga armas at bala.

Ayon sa mga sumukong terorista, nais na nilang magbagong-buhay kaya nagbalik-loob na sila sa pamahalaan.

Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong terorista upang matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa gobyerno.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page