Tattoo artist binaril sa mukha, patay

Dead-on-Arrival sa ospital ang isang tattoo artist matapos barilin sa mukha ng hindi pa nakikilalang suspek sa Sitio Catmon, Bgy. San Rafael, Rodriguez, Rizal.
Pasado alas-10:00 ng gabi habang nasa loob ng kanyang bahay ang biktimang si Nelson Dolorito, may sapat na gulang, nang may kumatok sa pintuan nito at nang buksan ay bumulaga ang armadong suspek saka siya binaril sa mukha bago tumakas.
Naisugod pa ito ng kaanak sa pagamutan subalit, idineklarang dead-on-arrival.
Nagpapatuloy na ang imbestigasyon sa krimen.





Comments