top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pinagri-resign, mas bagay daw na bodyguard ni P-Du30… Sen. Bato kay DJ ChaCha: Ibinoto ako ng 19 mil

  • Beth Gelena
  • Feb 21, 2020
  • 1 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Hindi lang pala pinagri-resign at pinagba-bodyguard kay P-Duterte ni DJ Chacha si Sen. Bato dela Rosa dahil may mga patutsada pa siya sa senador na nagsabing wala siyang paki sa 11,000 empleyado ng ABS-CBN na mawawa­lan ng trabaho kumpara raw sa milyun-milyong Pilipinong pinagsamantalahan ng Kapamilya Network.

Sey ni DJ Chacha na napakata­pang, “Naniniwala akong mas mahal ni Bato ang Pangulo kaysa sa asawa niya. Nangako pa hanggang kamatayan! Taray! IBA.”

“‘Yan ang mahirap, kapag mahilig kayong bu­moto ng mga pulitikong PUPPET ang role sa gob­yerno. ‘Wag kang umasa na marunong silang tu­mayo at ipaglaban ang tama kasi nagpa-function ang utak nila alinsunod sa pinuno nila.”

May pang-iinsulto pa siyang ang susunod daw ni­yang gagawin sa kanyang vlog ay ang pagbibigay ng tips kung paano makakakuha ng 10 years Multiple U.S. Visa para raw ‘di mag-tantrums ang senador.

Ayaw paawat ni DJ Chacha, mainit talaga ang dugo niya sa senador. Aniya, “When you’re a public servant and your loyalty is towards a person and not towards the country, ang tawag d’yan, TUTA!”

Samantala, sinagot pala ni Sen. Bato ang paha­yag ni DJ Chacha na mag-resign na lang siya.

Sa isang video interview, sey ni Sen. Bato, “In the first place, sino siya para magpa-resign sa akin? Hindi naman ako… I was voted upon by 19 million Filipinos at siya, hindi niya ako ibinoto. Ang ibinoto niya, ‘yung mga talo! Ngayon, pagre-resign-in niya ako!? Who you!? Sabihan mo siya, ‘Who you?’”

‘Kalokah! Pareho silang ayaw magpatalo!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page