Mindanao niyanig ng 5.4

Naitala ang Magnitude 5.4 na pagyanig sa bayan ng Jose Abad Santos sa Davao Occidental na nakaapekto sa ilang lugar sa Mindanao.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), alas-5:54 ng hapon nang ma-monitor ang lindol na may lalim na 190 kilometro.
Dahil sa malalim ang pinagmulan ng pagyanig, naramdaman ng mga tao ang lakas na Intensity III sa General Santos City; Tupi at Polomolok, South Cotabato; at sa Alabel, Sarangani.
Intensity II naman ang na-monitor sa Maasin at Malapatan, Sarangani; gayundin sa Davao City habang Intensity I sa Tampakan, South Cotabato.
Kung pagbabatayan ang instrumento ng Phivolcs, naitala ang Intensity IV sa General Santos City; Intensity III sa Kiamba, Alabel, at Malungon, Sarangani; at sa Tupi, South Cotabato habang Intensity I sa Kidapawan City; Koronadal City.
Inaasahan pa ng Phivolcs na magkakaroon ng aftershocks sa pagyanig ngunit, posible umanong hindi na magdulot ng malaking pinsala.





Comments