Granada pinaglaruan, sumabog.. Mag-utol na 5 at 8, patay

Todas ang dalawang bata makaraang sumambulat sa kanila ang pinaglaruan umanong rifle grenade sa loob ng kanilang bahay sa Dipolog City, kahapon.
Ayon kay PLt. Col. Gilzen Niño Manese, nadampot ng mga bata na may edad 8 at 5 sa kanilang kuwarto ang granada at inakalang laruan.
Gayunman, bigla na lang sumabog ang rifle grenade, alas-9:00 ng umaga at narinig ng kanilang ama na noo’y nasa labas ng bahay at nag-aasikaso ng paninda sa ukay-ukay.
Ani Manese, itinatanggi ng ama ng mga bata na alam nitong may granada sa bahay at itinuro ang kanyang ama na dating pulis na posibleng nag-iingat nito.
Gayunman, iimbestigahan pa rin ng pulisya ang tatay ng mga paslit at aalamin kung nagkaroon ng kapabayaan kaya nangyari ang trahedya. Nasa trabaho umano ang ina ng mga biktima nang maganap ang insidente.





Comments