top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

DTI, walang silbi, pro-negosyante, anti-consumer

Imee R. Marcos
Feb 21, 2020
1 min read

Kung meron mang super happy dahil sa nangyayaring pangamba dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), ito ay ‘yung mga gahaman at walang kaluluwang negosyante — silang mapagsamantala sa gitna ng krisis.

Hindi ba, tiba-tiba ang marami sa kanila dahil sa overpriced na face mask kasunod ng panic buying dahil sa takot na mahawahan ng COVID-19?

Ngayon, mukhang magpipiyesta na naman sila dahil papayagan sila ng Department of Trade and Industry (DTI) na magtaas ng presyo ng face mask dahil sa taas ng demand.

Kamakailan, inanunsiyo ng DTI na tataas ang Suggested Retail Price (SRP) ng face mask mula P8 hanggang P12 dahil nagmahal na raw ang mga “raw materials” abroad.

Ano ba ‘yan, DTI, huwag ‘law of supply & demand’ ang gawing excuse, hindi ba puwedeng ‘law of humanity’ naman ang pairalin?

Bago pa pumutok ang balita tungkol sa COVID-19, nasa P1 kada piraso lamang ang face mask, tapos naging P5. Kung tutuusin, dapat libre lang ito mula sa gobyerno pero ang nakapagtataka kung bakit palagi na lang kinakampihan ng DTI ang mga negosyante?

Eh, ano pang silbi nito sa mamamayan kung ganyan na lang palagi? Ano, wa’ silbi na lang ba, forever?

Kapag may epidemya, tungkulin ng gobyerno na unahin ang kapakanan ng mga Pinoy.

Ano na, DTI at DOH, wala na rin ba talaga kayong magagawa sa nakaambang price hike ng face mask?

Nakakainis din itong mga negosyante, ang kakapal ng mukha! Makonsensiya naman kayo at magmalasakit sa mga kapwa ninyo Pinoy.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page