top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Bacoor at Basilan, nakapasok sa semis

MC
Feb 21, 2020
1 min read

Photo: Maharlika Pilipinas Basketball League

Pinadapa kapwa ng Bacoor at Basilan ang kani-kanilang katunggali noong gabi ng Miyerkules upang lumapit ang kontensiyon sa semifinals ng Chooks-to Go/MPBL Lakan Season Cup.

Pinasuko ng Bacoor Strikers ang General Santos Warriors sa bisa ng 95-72 na iskor na idinaos sa Strike Gymnasium sa Cavite.

Pumoste ang Basilan Steel ng 83-68 na panalo laban sa Iloilo United Royals sa isa pang South division quarterfinals na bakbakan.

Napuno ng hometown crowd ang venue, pinamunuan ang Strikers ni MPBL Datu Cup MVP na si Gab Banal na nagpakawala agad ng 20-4 mula sa simula at hindi na lumingon hanggang sa iselyo ang paglapit sa best-of-three affair.

Dinomina nang husto ng Strikers ang Warriors sa bisa ng one-handed Tomahawk dunk ni Nick Demusis para sa final tally.

Nakatulong din sina Banal, Michael Mabulac at Oping Sumalinog para sa Strikers ni Coach Chris Gavina.

Bumanat ng 8 puntos sa unang canto ng bakbakan, nakapuntos ng 20, 11 assists at 3 rebounds, 2 nakaw habang pumoste si Mabulac ng 15 puntos, 5 rebounds at 3 assists habang si Ian Melencio at RJ Ramirez ay may tig-10 puntos.

May 17 points ang GenSan at 8 boards mula kay Roby Celiz, 16 points at 9 boards kay Pamboy Raymundo at 15 puntos, 8 assists at 5 rebounds kay Mikey Williams.

Umangat si Jhapz Bautista para sa Jumbo Plastics Steel ni coach Jerson Cabiltes na may 21 points, kabilang na ang tatlong tres habang si Hesed Gabo at Dennis Daa ay may tig-10 puntos.Sisikapin ng Steel na selyuhan ang serye sa Peb. 24 sa kanilang homecourt sa Basilan City Gym.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page