top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Aktres, sanay daw kaya kinabahan siya… Tony, puring-puri si Julia dahil game na game sa tikiman?

  • Vinia Vivar
  • Feb 21, 2020
  • 2 min read

Susubukan naman ngayon ang tambalang Julia Barretto at Tony Labrusca dahil sila ang mag­ka­pareha sa bagong series ng iWant na I Am U.

Sa presscon para sa nasa­bing series held last Wednesday night, nakakatawa ang kuwento ni Julia nang malaman niyang si Tony ang maka­ka­pareha niya.

“Nu’ng ipi-pitch pa lang sa akin, si­nabi pa lang, Tony Labrusca, ‘Oh, da­ming laplapan?’” sey ni Julia kaya nag­tawanan ang lahat.

Paliwanag pa ng aktres, “Hindi ba nanggaling siya ng Glorious? (Sabi ko), ‘Oh, so, maraming ganu’n?’”

Matatandaang ang Glorious ay iWant original mo­vie kung saan leading man ni Angel Aquino si Tony. Sa pelikulang ito lalong sumikat at pinag-usapan ang aktor and yes, ang dami nilang laplapan and steamy scenes.

Kaya naman hindi mo masisisi si Julia kung ‘yun ang naisip niya.

“Hindi, kasi siyempre, I heard of Tony kasi first du’n sa Glorious, so parang sa akin, bago ko pa siya na-meet, talagang ganu’n na ang path ni Tony – sexy, hot and steamy,” sey pa ni Julia.

And yes, kahit dito sa I Am U ay may mga intimate scenes sila ni Tony. Pero sey na­man ng aktor, mas matindi ang mga love scenes niya sa Glorious kaysa rito.

Pero puring-puri naman ni Tony si Julia dahil game na game raw ito at kinabahan daw siya talaga.

“Sobrang kita mo sa mukha ni Julia na she knows exactly what she’s doing, eh, so parang ako nga ‘yung kinakabahan na pa­rang ‘Shocks, mukhang game na game si Julia, parang kailangan ko ipakita na alam ko rin ‘yung ginagawa ko,’” sabi ni Tony.

Natawa naman si Julia at sey n’ya sa ak­tor, “Siraulo ka.”

Paliwanag naman ni Tony, “No, as in game na game sa trabaho niya. You know what I mean? She’s there to work. So, parang ako, I’m like, ‘Shocks, hindi ko puwedeng ipakita na kinakabahan ako.’ Baka ang dating is hindi ko sineseryoso ang trabaho ko.”So, ayoko rin namang sabihin sa kanya na ‘Uy, kinakabahan ako sa eksena natin.’ Parang ano ‘yun?” ani Tony.

Pero sey ng dalawa ay pareho silang nag-enjoy na katrabaho ang isa’t isa.

“It was nice to work with Tony. Unang-una, you know, it was so easy to converse with him. So, parang to me, it’s important to be able to converse with your leading man so that you find a certain compatibility with him, that you trust him with ‘yun, ‘yung mga kissing scenes, ‘yung mga scenes na medyo intimate kami sa isa’t isa.

“And na-excite ako because you know, Tony’s already become a universal leading man, so na-excite ako to be paired up with that, because I feel like siguro papunta na rin sana ako sa ganu’n, kasi nakasama ko si Tony,” sey ni Julia.

Sa I Am U ay dual role si Julia bilang sina Elise and Rose na magkatulad ang hitsura ngunit magkasalungat ng kinalakihan. Sa trailer ay medyo creepy nga ang peli­kula’t mukhang kakaiba ang kuwento.

Mula sa direksiyon ni Dwein Ruedas Baltazar, ang I Am U ay produced ng Dreamscape Entertainment and IdeaFirst Company.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page