top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Walang mabilhan, hirit ng mga drivers, operators.. Multa sa face mask, alisin na

V. Reyes
Feb 20, 2020
1 min read

Inihirit ng ilang grupo ng transportasyon na mabawi na ng LTFRB ang ipinapataw nitong multa sa hindi makasusunod na mga tsuper ng public utility vehicles na magsuot ng facemask bilang pag-iingat kontra Coronavirus Disease 2019.

Sa pagdinig ng House Committee on Transportation, sinabi ni Zenaida Maranan ng FEJODAP na gusto naman nilang sumunod sa memorandum circular ng LTFRB dahil mabuti ang layunin nito. Ngunit, wala umano silang makuhang suplay ng face masks para maipamahagi sa mga drayber.

Sinabi pa ni Maranan na masyado ring mabigat ang P5,000 multa sa hindi pagsunod na mag-face mask at nababahala silang magamit ito ng mga traffic enforcers upang basta na lang sila patawan dahil sa paglabag.

Nais ni Maranan na maglabas ang LTFRB ng isa pang memorandum na nag-aalis na ng multa.

Sinabi naman ni Marilen Montanez ng DTI na sinusubok pa rin nilang makakuha ng sapat na suplay ng face masks.

Humahanap na rin aniya sila sa iba pang mga bansa na puwedeng makapagbigay ng suplay.

Samantala, naungkat din sa pagdinig ang mabigat nang epekto sa mga airline company ng travel ban dahil sa COVID-19 kaya iminumungkahi ni Atty. Roberto Lim ng Air Carriers Association of the Philippine o ACAP na magpatupad ang gobyerno ng 3-day holiday at suspendihin ang paniningil ng travel tax.

Sa ganitong paraan ay mapalalakas ang lokal na turismo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page