top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Tricycle Task Force, pinabubuo sa mga LGUs

V. Reyes
Feb 20, 2020
1 min read

Inatasan ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang mga lokal na opisyal na bumuo ng mga task force na maglalatag ng ruta para sa mga traysikel sa kanilang nasasakupan.

Sa harap ito ng mahigpit na direktiba ni Año na ipagbawal ang mga traysikel, pedicab at motorized pedicab sa mga national highway sa gitna ng mga road clearing operation ng pamahalaan.

Binigyan-diin ng DILG chief na pag-aralan ng local government units (LGUs) at ayusin ang mga ruta ng mga traysikel kasama na ang konstruksiyon ng mga kalsada o overpass na pupuwedeng daanan dahil bawal ang pagtawid o U-turn sa national highway.

Ang bubuuin aniyang tricycle task force ay hiwalay sa tricycle regulatory board. Ibinabala ni Año na mabibigyan ng show cause order at kung hindi magiging katanggap-tanggap ang paliwanag ay puwedeng masampahan ng kasong administratibo ang mga hindi susunod sa direktiba.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page