Sayyaf, tiklo sa Kyusi
- V. Reyes
- Feb 20, 2020
- 1 min read

Nasukol ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Bgy. Culiat, Quezon City.
Kinilala ang suspek na si Adzman Tanjal, 32, na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms.
Una nang ipinatupad ng pulisya ang search warrant laban kay Tanjal.
Nasamsam sa lugar ang MK 2 fragmentation hand grenade at kalibre .45 pistola na may mga bala.





Comments