Presidente ng Ospital sa Wuhan, patay sa COVID-19
BRT
Feb 20, 2020
1 min read

Patay na ang presidente ng isang ospital sa Wuhan City sa Hubei Province sa China dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa China state television, binawian ng buhay si Liu Zhimming na siyang presidente ng Wuhan Wuchang Hospital. Siya na ang ikapitong health worker na nasawi dahil sa naturang sakit.
Sa ngayon, patuloy pang nadaragdagan ang bilang ng nagkakasakit ng COVID-19 sa China at sa iba pang bansa sa mundo.





Comments