top of page

Nanaginip ng mga patay, sign na may darating na bagong buhay

  • Socrates Magnus
  • Feb 20, 2020
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Janiz ng Janiz_Navida@facebook. com

Dear Professor,

Ipinatatanong ng friend ko ang panaginip niya na napanaginipan niya ang boss namin na si Sir Rainer at ang mister ko na si Dada.

Sa panaginip niya, pinababalik siya sa pagsusulat, writer kasi sa showbiz ang friend ko na nagtatanong.

Ano ang ibig sabihin ng puro patay ang napananaginipan niya?

Naghihintay, Janiz

Sa iyo Janiz, Isang pangkaraniwang bagay lang na ang tao ay nananaginip ng mga patay. Maririnig natin ang mga kuwento ng ating mga magulang na noong musmos pa lang tayo, ayon sa nanay natin, nakakita tayo ng multo.

Sa ibang sitwasyon, ang bata ay may itinuturo at nang tanungin siya, sabi niya ay ang namatay na kamag-anak. Minsan, namatay na lola, lolo, kapatid, tiyahin o sinumang malapit sa bata na patay na.

Nangyayari ang ganito dahil ang napanaginipan ng bata ang namatay at nang siya ay biglang nagising, nagpatuloy sa diwa niya ang nakita niyang patay na kaya nang nakita niya, sinabi niya na “si ganu’n” o “si ganito”, kumbaga, mula sa panaginip ng musmos na bata, sinasabi ng mother niya na nakakita siya ng multo.

Ang mga teenager ay ganundin, minsan ay nakakapanaginip din sila ng mga patay na. Maging ang mga mature na ay hindi nakaiiwas sa mga panaginip sa mga patay na. Kaya madalas maririnig natin na ang namatay na malapit sa buhay ay napanaginipan at pagkatapos ay may nagbalita sa kanya na namatay na ang napanaginipan niya. Kaya ang magiging kongklusiyon ng nanaginip ay pinagmultuhan siya o bago mapunta sa ibang mundo ang namatay ay nagpakita muna sa kanya sa pamamagitan ng panaginip.

Muli, ang mga panaginip tungkol sa patay ay pangkaraniwang bagay.

May isang magsasabing hindi pangkaraniwan, pero sa totoo lang din ay normal lang naman, ito ay kapag ang tao ay nilagnat kung saan ang kanyang lagnat ay sobrang taas ng body temperature, mas malamang na makakita siya ng mga kaluluwa at ito ay sa pamamagitan ng mga panaginip.

May isa pang parang hindi pangkaraniwan, pero sa totoo lang ay normal din, ito ay kapag masyadong napatagal ang pagtulog sa isang posisyon, ang mga ugat ay maiipit at mahihirapang makarating ang oxygen sa utak at ito ay magreresulta ng panaginip tungkol sa mga patay.

Dito sa huli, ang payo ay kapag natutulog, dapat na biling nang biling o binabago ang posisyon sa pagtulog. May isa pa at ito ay pangkaraniwan na ang nanaginip ng patay ay nagbibigay ng mensahe sa nanaginip na “In death, there is a new life,” ibig sabihin, kapag ang tao ay magkakaroon ng bagong buhay, siya ay mananaginip ng patay o death.

‘Yun ang sinasabing “new life” na tatawagin ding new beginnings, as in, bagong pasimula, kaya sabihin mo sa kaibigan mo na hindi pa siya sinusundo ng mga patay dahil mas tamang isipin na siya ay muling bibigyan ng pagkakataong maging writer at ito ang kanyang new beginnings.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

7 Comments


alex gatus
alex gatus
Nov 09, 2024

sa tulogan po ninyo ako sa akin kuwento pamagat : kung ako ay tunay na patay :

Like

alex gatus
alex gatus
Nov 09, 2024

kung ako tunay na patay dapat po ba magdasal sa diyos

sabi ilan kapag patay isang tao hindi na raw naririnig nag diyos kahit ano gawin nila

too o ba ito gaya sa what dream may come sa pinikula dating patay na si robin william

Like

alex gatus
alex gatus
Nov 09, 2024

kung ako tunay na patay sino po tutulong po akin ngayaon


Like

alex gatus
alex gatus
Nov 09, 2024

sa akin buhay kung paty na ho ako parang nandito ako sa bahay lagi ano ho dapat gawin ko po


Like

alex gatus
alex gatus
Nov 09, 2024

sabi nila ang tunay patay kung sa aan sila namatay doon lang sila

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page