top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mga empleyado ipinadlock sa pabrika, 2 Chinese arestado

  • Janice Baricuatro
  • Feb 20, 2020
  • 1 min read

Dinakip ng Kawit Police ang dalawang Chinese na kapwa operational manager ng isang pabrika matapos ikulong at i-padlock ng mga ito ang kanilang apat na trabahador sa Bgy. Toclong.

Na-rescue ng PIB Cavite at Kawit Police ang apat na biktima sa loob ng naka-padlock na pabrika na nakilalang sina Rolando Averilla, 30, helper; Jaime Valenzuela, 43, driver; Ian Clark Madlangbayan, 23, helper, at Ronald Grino, 37, driver.

Naaresto naman ng pulisya ang dalawang suspek na amo ng mga ito na sina Qinghui Qiu, 37, at Bin Chen, 32, kapwa Chinese at mga operation managers ng Dan Chang Company at stay-in sa Gold Key Construction Management, Inc. Warehouse sa Bgy. Toclong, Kawit, Cavite.

Personal na nagtungo sa tanggapan ng pulisya si Ma. Angela Burgos, asawa ng isa sa mga biktima at humingi ng tulong hinggil sa ipinadlock umano sila ng kanilang mga among Intsik sa loob ng pabrika at ayaw pauwiin at palabasin.

Agad nagsagawa ng rescue operation ang pinagsanib na puwersa ng Cavite PIB at Kawit Police sa Dan Chang Company Warehouse, Gold Key Golden Key Construction Management Incorporated, alas-11:00 ng umaga at dito na-rescue ang apat na biktima.

Agad din naaresto ang dalawang Chinese na tumangging magsalita hinggil sa pangyayari.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page