Masusing pipiliin ang mga nominado sa PSHOF 2020

Daraan sa masusing pagpili ang mga nominadong ilalagay para sa Philippine Sports Hall of Fame (PSHOF) batch of 2020 bilang pagkilala sa mga natatanging Filipinong atleta, coaches at trainers’ ng pambansang koponan. Inihayag ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez kahapon, Miyerkules, na mas makabubuting maging maagap ang kumiteng binuo upang mapag-aralan at masalang mabuti ang mga karapat-dapat para mapasama sa ika-4th Hall of Fame awards.
Bubuuin ng mga respetado at mga may antas sa lipunan ng pampalakasan ang mga miyembro ng screening committee na kinabibilangan nina Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham Mitra, Philippine Olympic Committee (POC) Secretary-General Atty. Edwin Gastanes, Integrated Cycling Federation of the Philippines Secretary-General Atty. Avelino Sumagui, University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Executive Director Atty. Rene Saguisag Jr., at SEA Games gold medalist at Philippine Olympians Association (POA) President Akiko Thomson Guevara. “This is good that we met early so we have ample time to study the nominations,” pahayag ni Ramirez sa naturang pagtitipon. “We will check if this is possible with the budget that we have,” wika ni Ramirez hinggil sa pinag-aaralang tugon na doblehin ang cash gift mula sa P100,000.
Kabilang sa mga kuwalipikasyon para mapabilang sa nominasyon ay makapanalo ng gintong medalya man lang sa SEA Games, silver medal sa Asian Games o Asian Cup o regional games, bronze medal sa Olympics o isang world championship title sa anumang larangan ng pampalakasan mapa-propesyunal o apisyonado lang.





Comments