top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Dating OFW, na makakapag-abroad ulit dahil bilog ang buntot ng pirma

  • Maestro Honorio Ong
  • Feb 20, 2020
  • 2 min read

Maestro Honorio Ong

Katanungan 1. Nasa Canada ang pinsan ko at pinag-a-apply niya ako roon dahil kailangan pa raw niya ng isa pang kasama sa trabaho, kaya tutulungan niya akong makapunta roon. Dati na akong nakapag-abroad sa Singapore, kaya lang, dahil matagal akong nabakante o hindi na bumalik abroad, naubos na ang lahat ng naipon kong pera.

2. Nag-aayos na ako ng mga papeles ko at okey naman ang sitwasyon. Ang problema lang talaga ay kinakapos na kami ng panggastos, balak ng mister ko na isanla ulit ang lupa namin sa kanyang mga magulang para may panggastos ako sa pag-a-apply. Sa sandaling nakaluwag na kami, halimbawang natuloy ako abroad ay saka na lang namin tutubusin.

3. Tama ba ang balak na ito ng mister ko at matutubos din kaya namin ang lupa na balak niyang isanla para matuloy ako abroad? Natatakot kasi akong baka hindi maging maganda ang pag-a-abroad ko at pagkatapos ay hindi pa namin matubos ang lupang isasanla ng mister ko. Kasagutan 1. Wala namang problema, Marie Rose, dahil kapansin-pansing may malinaw at maaliwalas na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na anumang balakid o pagsubok ang dumating sa pangingibang-bansa na inaatupag mo sa kasalukuyan, tiyak na masosolusyunan at malulusutan mo ang lahat ng ‘yan sa tulong ng iyong mister hanggang sa tuluyan kang palarin sa pangingibang-bansa.

2. Ibig sabihin, sa una at ikalawang pagkakataon ng pangingibang-bansa, may positibo agad na kaganapan kung saan siguradong matutuloy ka at kapag nasa Canada ka na, nakatakda ka ring kumita ng malaki-laking halaga na kinumpirma naman ng lagda mong bilog ang buhay na buntot ng letrang “g”. Tanda ng kasaganahan at katuparang pampinansiyal na kapag nagtuluy-tuloy na ang nasabing suwerte, may pagkakataon pang ikaw ay makapagnegosyo dahil may natagpuan ding Business Line (Drawing A, at B. N-N arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

3. Ibig sabihin, kapag matagal ka na sa abroad kahit pakonti-konti at painut-inot lang, makaiipon ka hanggang sa makapagsimula kayong mag-asawa ng simple, pero patok na negosyong may kaugnayan sa agricultural products, grocery at iba pang basic needs ng mga tao tulad ng pagkain at iba pang kauri nito. Mga Dapat Gawin

Ayon sa iyong mga datos, Marie Rose, ituloy mo lang ang binabalak mong pag-a-abroad at tiyak na magtatagumpay ka kung saan matapos ang mahabang panahon ng paghihintay at nakaiinip na pag-aayos ng mga papeles, sa last quarter ng taong ito ng 2020 o sa first quarter ng 2021, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran na tiyak namang maghahatid sa inyong pamilya sa unti-unting pag-unlad at ganap na pag-angat ng kabuhayan (Drawing A. at B. H-H arrow c.) na nakatakdang mangyari sa taong 2028 sa edad mong 43 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page