7 Jeepney Drivers, adik

Pitong jeepney drivers ang inaresto makaraang magpositibo sa random drug testing na isinagawa ng Makati Anti-Drug Abuse Council (MADAC), Land Transportation Office (LTO) at Makati City Police, kahapon ng umaga.
Ayon sa ulat ni Makati City Police Chief P/Col. Rogelio Simon, kasong paglabag sa Republic Act 10586 o Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013 at Republic Acy 9165 o Comprehensive Dangerous Drug of 2002 ang isasampa sa mga naarestong driver na sina Jimmy Fontanilla, Rogelio Amazona, Jessie Daep, Nelson Lumanta, Ryan Gara, Enrico Lacarto at Joel Ayes, ng Makati City.
Agad isasailalim sa inquest proceeding sa Makati Prosecutor’s Office ang pitong drivers matapos nila itong arestuhin.
Bandang alas-5:00 ng madaling-araw nang sorpresang isinagawa ang random drug testing sa lahat ng jeepney drivers na may rutang Guadalupe-Leon Guinto Taft na bahagi ng Makati City Police Public Safety Intervention.
Kamakailan nang masawi ang biktimang si Jules Villapando, 13, at nasugatan ang pito pang estudyante nang araruhin ng jeep habang tumatawid sila sa pedestrian lane. Kaugnay nito, nagpositibo sa droga ang driver ng nasabing jeep na si Crisalde Tamparong.





Comments