top of page
Alex Eala at Sandro Marcos - FB.jpg

Konsehal at tserman niratrat, patay

  • V. Reyes / L. Gonzales
  • Feb 19, 2020
  • 1 min read

Utas ang isang konsehal at isang tserman sa magkahiwalay na insidente.

Ayon sa Bayawan City Police, naganap ang pamamaril sa biktimang si Alex Tizon, alas-10:30 kahapon ng umaga sa national highway ng Bgy. Villareal, Bayawan City, Negros Oriental.

Minamaneho ng biktima ang kanyang sasakyan nang sumulpot ang riding-in-tandem at pinaputukan ang konsehal.

Nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng mga pulis sa ikadarakip ng mga suspek.

Samantala, patay din ang isang barangay chairman matapos barilin sa Bgy. Don Jose, Sta. Rosa City, Laguna.

Sakay ng kanyang Toyota Fortuner ang biktimang si Christopher Gonzales, 42, tsernan ng Bgy. Sto. Tomas, Biñan City, Laguna.

Habang nasa loob ng sasakyan, bumulaga sa kanya ang hindi pa nakikilalang mga suspek at agad siyang pinagbabaril. Patuloy na ang imbestigasyon sa krimen habang wala pang malinaw sa motibo ng insidente at nasa likod ng pagpatay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page