top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Iba’t ibang brands ng pekeng lipstick, inilabas ng FDA

Jun R. Guillermo
Feb 19, 2020
1 min read

Mga suki, partikular sa kababaihan, mahilig ba kayong magpaganda o gumamit ng make-up lalo na ng lipstick? P'wes, para sa inyo ang tatalakayin natin.

Kamakailan, naglabas ng babala ang Food and Drug Administration (FDA) tungkol sa paggamit ng lipstick na hindi rehistrado ng nasabing ahensiya.

Nabuking ng FDA na may ilang brand ng lipstick na kumakalat ngayon sa merkado ang hindi dumaan sa tamang proseso o quality checking ng produkto. Ito ay ibinebenta ng ilang vendors sa Kalakhang Maynila na ang hangarin lamang ay kumita nang limpak-limpak, kesehodang, magdulot ang mga ito ng panganib sa kalusugan ng kanilang mga mamimili.

Narito ang mga brand ng lipstick na hindi rehistrado ng FDA:

  1. Monaliza Series Lipstick

  2. Yes Now Make-Up Moist Lipstick

  3. Matte Clareal Bold Matte Lipstick 2

  4. 3 Colors Kiss Tint Clareal

Samantala, sa isinagawang post marketing surveillance ng ahensiya sa mga nabanggit na cosmetic products, napag-alaman ng awtoridad na walang certificate of product notification ang mga pekeng produkto kaya mahigpit itong ipinagbabawal sa merkado.

Kaugnay nito, pinag-iingat ang mga mamimili na huwag itong tangkilikin dahil ang mga nabanggit na pekeng produkto ay posibleng magdulot ng masamang epekto sa kalusugan ng sinumang gagamit nito.

Oh, mga ka-BULGAR, alam n’yo na, ha? Huwag kayong basta na lang bili nang bili ng ganitong produkto kahit sabihing mura lamang ang mga ito kumpara sa mga nabibili sa mall dahil baka imbes na gumanda kayo, eh, sa ospital o sa “tahimik na lugar” (sementeryo) ang bagsak ninyo.

Ikaw kaibigan, anong sey mo?

Palaging tatandaan, walang maloloko kung walang magpapaloko! Ligtas ang may alam.

Kaya ikaw, ako, tayo… mag-ingat!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page