Bawas-dayuhan, dagdag-trabaho — Kamara.. Chinese out, Pinoy in sa POGO

Sa halip na mga Chinese, makabubuting mga Filipino na lang ang kuning empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Ayon kay ACT-CIS Partylist Rep. Eric Yap, chairman ng House Committee on Games and Amusement, dahil bahagi ng kuwalipikasyon para maging POGO worker ay dapat marunong magsalita ng Mandarin, pupuwedeng magkaroon ng programa ang TESDA para rito.
Masipag at madali naman aniyang maturuan ang mga Pinoy lalo na kung may magandang oportunidad at malaking suweldo.
Sa sandali aniyang marami nang marunong mag-Mandarin, maaaring bawasan na ang mga dayuhan na nagtatrabaho sa POGO.
Binigyang-diin ni Yap na win-win solution ito dahil magiging alternatibo sa pagiging OFW ang pagtatrabaho sa POGO at makatitipid din ang mga employer na hindi na gagastos sa tutuluyan o magiging bahay ng mga dayuhang empleyado nito na nasa Pilipinas.





Comments