Schrock at Pagdanganan special awardee sa PSA
- VA
- Feb 18, 2020
- 1 min read

Nakatakdang tumanggap ng special awards mula sa Philippine Sportswriters Association (PSA) ang dalawa pang Pinoy athletes na sina Stephan Schrock at Bianca Pagdanganan.
Igagawad kay Schrock ang karangalan bilang Mr. Football habang si Pagdanganan ang magiging unang recipient ng Ms. Golf award sa darating na SMC-PSA Annual Awards gala night sa Marso 6 sa Centennial Hall ng Manila Hotel.
Makakasama ang 33-anyos na si Schrock at 22-anyos na si Pagdanganan nina Ms. and Mr. Volleyball Sisi Rondina at Bryan Bagunas, Ms. and Mr. Basketball Jack Animam at Thirdy Ravena at Coach of the Year Pat Aquino na pagkakalooban ng special awards ng oldest media organization ng bansa sa event na inihahatid ng Philippine Sports Commission kung saan tatanggap ng prestihiyosong Athlete of the Year ang 30th Southeast Asian Games overall titlist Team Philippines.
Kasama si Pagdanganan sa nasabing tagumpay ng mga Pinoy sa SEA Games matapos nitong pamunuan ang 2-gold harvest ng bansa sa golf nang magwagi ito sa women’s individual event at sa women’s team event katuwang si Lois Kaye Go.
Naging 2018 PSA Athlete of the Year kasama ng mga kapwa golfers na sina Go at Yuka Saso, weightlifter Hidilyn Diaz at skateboarder Margielyn Didal, nagwagi rin si Pagdanganan sa Hawkeye El Tigre Invitational sa Mexico noong 2019.





Comments