Pumatol daw sa mas bata na wala pang datung… Annabelle kay Vice: tandaan mo 'to, 'pag tumand
- Ronalyn Seminiano
- Feb 18, 2020
- 3 min read
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trend

Photo: GGV
Nakakalokah ang guesting ni Ms. Annabelle Rama sa show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice kamakailan.
Sumalang si Ms. Annabelle sa Sagot o Lagot challenge kung saan may mga nakahandang tanong na kung hindi niya trip sagutin ay may punishment na kakain siya ng ‘malalaking worms.’ Pero bago pa man mag-start ang challenge, may revelation na agad ang nanay nina Ruffa, Richard at Raymond.
Aniya, “Alam mo, Vice, nag-away kami ni Ruffa (Gutierrez) nu’ng nag-guest siya dito kasi… ‘Mommy, ipinapahiya mo naman ako!’ ‘Bakit, alam ko bang magge-guest ka d’yan? Malay ko naman diyan. Akala ko, kinatay ka na ng boyfriend mo!’”
Nu’ng nag-guest kasi si Ruffa sa GGV, may challenge na kailangan niyang i-prank si Ms. Annabelle thru phone call. Tinawagan ni Ruffa ang kanyang mommy habang nag-iiyak-iyakan siya. Sabi ni Ruffa, “Ma, nahuli ko siya… nahuli ko siya… he’s cheating on me! Nangangaliwa siya!”
Dahil hindi alam ni Ms. Annabelle na naririnig ng madlang pipol ang phone call nila, sagot niya kay Ruffa, “Sino? Si Jordan (Mouyal, BF ni Ruffa)? I told you before pa, iwanan mo na ‘yung (censored)”
Biglang napatili si Ruffa. Nang kinausap ulit niya ang ina, aniya, “Ma, ano ba? Nakakahiya ka! Kasama ko si Vice (Ganda), we’re on air!”
Nakakagulat ang naging sagot ni Tita Annabelle na… “(Censored) babae ka!”
Back to Ms. Annabelle’s guesting, tinanong siya ni Vice kung ano ang pinakamabigat na kasalanang ginawa sa kanya ni Ruffa.
Aniya, “Alam mo si Ruffa, mabait naman talaga ‘yan. Siyempre, mahal ko kasi only daughter. Pero, ‘yung mga ayaw ko, sinusuway niya.
“Unang-una, sabi ko sa kanya, maghanap siya ng boyfriend na bubuhay sa mga anak niya at saka sa kanya. Hindi niya kailangang magtrabaho kasi matalino naman siya, maganda, hindi naman siya bobo, ‘di ba? Ang ayaw ko lang, pagdating sa lalaki, talagang BOBO siya.”
Sabi naman ni Vice, “Pero alam mo kasi, Tita, siyempre, iba ‘yung love ‘noh? ‘Yung iba, para sa iba, ‘yung ginawa niyang desisyon sa love ay hindi smart, pero sa isang tao, para sa kanya, smart ‘yung naging desisyon niya sa pag-ibig.”
Mabilis na sinagot ni Ms. Annabelle si Vice.
Aniya, “Kalokohan naman ‘yan, Vice. May dalawang anak na siya, eh. Ikaw ba, na-in love ka ba sa ganyan, walang pera rin?”
Hindi kaagad nakasagot si Vice dahil we all know naman na ang BF niyang si Ion Perez ay hindi ganu’n kaangat sa buhay at nakilala lang dahil sa pag-e-escort sa It’s Showtime.
Sey tuloy ni Vice, “Tita (clears throat), inaano kita? Kasi maraming taong naniniwala talaga sa love, walang edad, walang estado sa buhay, ‘di ba? Universal, walang kasarian.”
Singit naman ni Ms. Annabelle, “Tandaan mo ‘to, Vice, ah. ‘Pag tumanda ka na, tapos bata ‘yung kinakasama mo, iiwan ka rin niyan!”
Dito na biglang napatili si Vice dahil sa kaprangkahan ng mommy ni Ruffa.
Next question naman ni Vice kay Ms. Annabelle ay kung may artista ba na lumandi sa mister nitong si Eddie Gutierrez nu’ng sila na. Mabilis na sagot ni Ms. Annabelle, “Marami.”
Hindi raw sikat ang mga aktres na ‘yun. Aniya, “Kasama niya sa shooting at saka sa taping. Ayoko nang magbigay ng clue kasi hindi naman siya sikat. Baka sumikat pa dahil sa akin. Alam na niya ‘yun. ‘Pag siya manood sa akin, alam mo na ‘day kung sino ka.”
Baka raw nanonood sa kanya ang aktres na tinutukoy niya kaya hiningan siya ni Vice ng mensahe para rito.
“Sorry na lang, ‘day. Ang asawa ko, nasa akin na. Hindi siya puwedeng mangaliwa kasi kakaliwain ko rin siya. Alam niya ‘yun.”
Oh, ‘di ba? ‘Kalerkey talaga ang isang Annabelle Rama!





Comments