top of page
Pokwang.jpg

Para hindi mangulelat.. Libreng pakain sa mga estudyante

V. Reyes
Feb 18, 2020
1 min read

Ipinursige sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na mabigyan ng libre at masusustansiyang pagkain ang mga estudyante upang gumanda ang academic performance ng mga ito.

Sa ilalim ng Universal Free Schools Meals Act, ipatutupad ang hindi bababa sa 120 araw na pagpapakain sa mga mag-aaral sa kindergarten at grade school sa loob ng isang taon.

Ang bawat estudyante ay kailangang mabigyan ng masusustansiyang pagkain bukod pa sa mga bitamina, mineral supplements at gatas.

Naniniwala ang nagsusulong ng panukala na si Albay Rep. Joey Salceda na puhunan sa edukasyon ang wastong nutrisyon ng mga estudyante dahil mahirap para sa isang bata na matuto na kumakalam ang tiyan.

“Pointless kasing papasukin sa eskuwela, damihan ang subjects, tapos ‘yung bata gutom pala,” ani Salceda. Hinihimok din sa panukala ang mga eskuwelahan na magkaroon ng sariling produksiyon ng pagkain at kumuha rin ng suplay mula sa mga lokal na magsasaka.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page