top of page

Kinasal sa pamilyar pero hindi kilalang lalaki, maiinlab sa kaibigang very close

  • Socrates Magnus
  • Feb 18, 2020
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Alexa ng Alexa_ Nicole@facebook.com

Dear Professor, Napanaginipan ko na ikinasal ako. Pamilyar sa akin ‘yung lalaki, pero hindi ko maalala kung sino siya. Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay,

Alexa

Sa iyo Alexa,

Huwag kang magugulat, sabi ng iyong panaginip, mai-in love ka sa isang very close friend mo in the near future. Ito ang ibig sabihin ng pamilyar ka sa lalaking ikakasal sa iyo. Ang hindi mo maalala kung sino ay dahil hindi mo pa siya kilala. Kumbaga, ang panaginip mo ay klase ng paunang pagbabalita ng magaganap sa iyong buhay.

Ang payo para sa iyo ay ganito, dahil paparating na ang iyong Mr. Right, simulan mo na ang pagpapaganda ng iyong mga katangian at sikapin mong maalis ang iyong hindi magagandang ugali.

Tandaan mo, iha, ang magandang katangian ay susi sa ganap na kaligayahan at ang pangit na ugali o gawain ay bukas na pintuan ng masaklap na kabiguan. Ipinaaalala sa iyo ito dahil minsan, ang mga babae, kapag nakarinig ng kasal ay inaakala agad na panghabambuhay. Mali ang ganu’ng pananaw dahil hindi ito makatotohanan. Kumbaga, masarap lang isipin at pakinggan na ang kasal ay panghabambuhay na pagmamahalan.

Patuloy ang pagdami ng bilang ng mga nagkakahiwalay kahit pa sila ay kasal, gayundin, dumarami at paparami pa ang sangkaterbang bilang ng mga nagkakahiwalay at ito ang reyalidad.

Pero kung ilalagay mo sa iyong puso at isipan ang nasabing susi ng ganap na kaligayahan at ang kung ano ang pintuan ng kabiguan, makatitiyak ka na ang iyong pag-aasawa ay magiging for life.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page