top of page
Heart Evangelista.jpg

'Di lang sinabihan ng "I love you"… Dennis, first time ni-lips-to-lips si Jennylyn sa

  • Vinia Vivar
  • Feb 18, 2020
  • 3 min read

Big success ang first ever concert together ng real-life couple na sina Jennylyn Mercado and Dennis Trillo titled Co-Love Live held last Feb. 15 sa New Frontier Theater. Sold-out ang tickets a week before pa lang at talaga namang punumpuno ang venue.

Napaka-entertaining ng show not only because star-studded ito dahil sa dami ng guests kundi dahil na rin sa concept nito na journey ng love story ng JenDen simula nang una silang maging magkarelasyon in 2010, nag-break in 2011, nagkabalikan in 2015 at hanggang sa ngayon ay going strong pa rin.

Napakabilis ng 2-hour concert at hindi nakakainip.

Nahati ang concert sa tatlong chapters. Chapter 1 ang pagsisimula ng love story nila, Chapter 2 ang paghihiwalay at Chapter 3 naman ang pagbabalikan.

Guests sa Chapter 1 sina Alex Gonzaga, Nar Cabico, Nico Antonio, Juan Miguel Severo at Jay Durias.

Nagsimula ang show sa VTR (video tape recorder) nina Jen at Dennis relating kung paano nagsimula ang kanilang relasyon at pagkatapos ay ang opening number nilang medley of old love songs (Sad To Belong, Thinking of You, Closer You & I and Kapag Tumibok ang Puso).

Sobrang kuwela ng banter nina Alex and Jennylyn lalo na nang napag-usapan ang problema ng ABS-CBN franchise renewal.

Biniro kasi ni Alex si Jen tungkol sa kulay ng mga suot nila. Naka-green ang una at naka-red naman ang huli.

“Si Dennis ba ay naka-blue kasi parang pa-ABS-CBN na tayo?” natatawang sabi ni Alex.

Sagot naman ni Jen, “Huwag kang ganyan. Kami ay (singing) Kapuso, makulay ang…”

Hirit naman ni Alex, “Nakita mo na ngang namomroblema na nga kami.”

Kaya nagsigawan ang audience.

Sa Chapter 2 naman ay guests sina Kim Molina, Jerald Napoles, Nyoy Volante, Carlo Aquino at JK Labajo. Nag-duet sina Jen and Dennis ng Separate Lives at medley ng mga breakup songs tulad ng Let Me Be The One, Paalam Na, I Love You Goodbye and Before I Let You Go.

Sa VTR ay ikinuwento ng JenDen ang kanilang paghihiwalay. Sinubok daw ang kanilang relasyon that time at hindi nila nakayanan kaya humantong sila sa breakup.

“I think, wala namang taong intensiyon na masaktan ‘yung mahal nila. May mga nagagawa tayo na kung pag-iisipan natin nang maigi ay hindi na lang sana natin nagawa. May mga nasasabi tayo na sana, hindi na lang natin sinabi,” sey ni Dennis sa video.

“We were immature then. Maliit na bagay, pag-aawayan, madikit lang sa kung sino ay pagseselosan,” ani Jen.

Ang final chapter naman ay ang kanilang pagbabalikan. Sobrang nakakakilig ang mga sinabi nila sa VTR at talagang totoo ang kasabihang “love is lovelier the second time around.”

Kuwento ni Jen ay si Dennis daw ang nag-reach out at ayon naman sa aktor, sobrang na-miss niya ang ex-GF niya kaya siya nag-text that time.

Naging magkaibigan ulit sila and later on, they decided na bigyan ulit ng chance ang kanilang relasyon.

“Baka nakilala namin ang isa’t isa sa maling panahon kaya hindi nag-work. Pero hindi ibig sabihin na hindi na ito magwo-work ever. Kasi lahat naman ng mali, ‘di ba, maaari nating itama kung gugustuhin?” sabi ni Jen.

“Everyone deserves a second chance, ‘ika nga nila. Mahal ko talaga, eh, lalo na nu’ng nagkabalikan kami. Mas masasabi ko talaga na mahal na mahal ko ‘tong taong ‘to,” ani Dennis. Kaya muling nagsigawan ang audience.

“He is my one great love,” Jen said.

“She is the one who got away. Well, almost,” ani Dennis. Sabi ulit ni Jen, “Hindi totoong walang forever, kasi may forever kung gugustuhin natin.”

This time ay nag-duet naman sila ng Starting Over Again.

For the finale guest, siyempre, none other than Alden Richards na kumanta ng medley of love songs (I Swear, This I Promise You and As Long As You Love Me).

Sobrang nakakakilig ang finale number ng JenDen sa Co-Love Live concert. Inawit muna nila ang After All na una na nilang na-cover sa kanilang YouTube Channel at sa ngayon ay ito ang most-viewed videos nila with almost 4 million hits.

Pagkatapos umawit ay nag-dim ang lights at hinalikan ni Dennis sa lips si Jen na first time ginawa ng aktor in public.

For their last number ay inawit naman nila ang Nothing’s Gonna Stop Us Now and after the song, sinabihan ni Dennis si Jen ng “I love you” at saka mahigpit na niyakap at pagkatapos ay hinalikan niya itong muli sa lips.

Sobrang nakakakilig ang atmosphere lalo pa nga’t first time itong sinabi rin ng

aktor in public sa girlfriend.

Halatang nag-enjoy ang lahat sa show dahil even after the last number ay nag-stay pa ang mga tao at dinumog sina Jen and Dennis sa stage. Masaya namang nagpa-picture ang dalawa sa mga fans upang ipakita rin ang pagmamahal nila sa mga ito.

Mula sa direksiyon ni John Prats, ang Co-Love Live ay produced mismo nina Jen and Dennis with Atty. Joji Alonso. Ieere ang nasabing concert sa GMA-7 sa Feb. 29.

Big congrats, JenDen!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page