top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

Chua at Pagulayan, sasabak sa World Pool Masters

  • Eddie M. Paez Jr.
  • Feb 18, 2020
  • 1 min read

Muling kinilala ang husay ng mga manunumbok mula sa lahing kayumanggi matapos na maipasok ang mga pangalan nina Johann “Bad Koi” Chua at Alex “The Lion” Pagulayan sa piling listahan ng mga lalahok sa malupit na 2020 World Pool Masters na masasaksihan sa Europa Point Sports Complex ng Gibraltar ngayong Marso 26-29. Halagang $25,000 ang naghihintay alinman kina Chua o Pagulayan sinuman sa kanila ang magkakampeon sa pinakamalupit na 9-Ball invitational tournament sa buong mundo. Kung sakali, mapuputol din ang tagtuyot ng mga Pinoy sa kumpetisyon dahil isang dekada na nang huling sumargo sa trono ang isang kababayan (Dennis Orcullo, 2010).

Dalawang All-Japan na korona kasama pa ang pagiging hari ng katatapos na Sen. Emmanuel Pacquiao Valentine’s 10-Ball Tournament sa Bacolod ang kartadang hawak ni Chua sa pagpasok sa sagupaan. Bukod naman sa pagiging dating World 9-Ball titlist, ang kumpiyansa ng tubong Isabela na si Pagulayan ay galing sa pagkakaluklok nito kamakailan lang sa prestihiyosong Billiards Congress of America (BCA) Hall of Fame.

Napakabigat naman ng line-up ng mga bilyaristang nakaharang sa kanila papunta sa trono. Nariyan si 2019 World 9-Ball king Fedor Gorst ng Russia, ang nagtatanggol ng Korona sa Gibraltar na si David Alcaide mula sa Spain, Taiwanese at World Pool Billiards Association no. 1 Ping Chung Ko, US Open Pool champion Joshua Filler ng Germany, WPA no. 3 Shane Van Boening (U.S.A), isa pang pamatay na Taiwanese sa katauhan ni WPA no. 6 Ping Yi Ko at World 9-Ball women’s champion Kelly Fisher ng Great Britain.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page