top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Carry Over sa 3rd WTA na ₱673,782.91

Ding Taboy
Feb 18, 2020
1 min read

RENDA at LATIGO

Nagwagi sa katatapos na 2nd District Councilors ang Adobo Country sa Mandaluyong Liberation Day Racingfest 2020 sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas.

Tinapos ng bandera ng Adobo Country, na nanalo ng limang kabayo ang layo sa mga kalaban sa 1,400 meters na distansiya at pumangalawa ang Space Jam.

Samantala, naghatid ng carry over sa 3rd WTA ng halagang P673,782.91 ang pagkakapanalo ng Spectreoftheknight sa Race 11. Sa 1st WTA nagbigay ng dibidendo na P149,430.80 sa pagkakapanalo ng dalawang dehado sa Race 1 at 2.

Habang nagbigay ng dibidendo na P1,132.80 ang 1st Pick 5 sa pagwawagi ng Musical Note at Wood Ridge na siyang nagpadehado. Sa 1st Pick 6 naghatid ng panalo na halagang P6,173.20 sa pagkakapanalo ng Adobo Country sa Race 8.

Naghatid ng panalo sa 2nd WTA ng P61,773.00 sa pagkakapanalo ng Adobo Country. Naghatid ng dibidendo na P2,794.80 ang 2nd Pick 5 habang 2nd Pick 6 na may dividendong P426,616.80 sa pagkakapanalo ng Adobo Country at Spectreoftheknight.

Samantala, may dibidendo na P9,877.20 ang 3rd Pick 5 sa pagkakapanalo ng Spectreoftheknight. May dibidendo na P636.40 sa Pick 4 at pagkakapanalo ng Spectreoftheknight sa Race 11.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page