San Juan tinalo ang Pasay; Pampanga dinale ang Bataan

Photo: Maharlika Pilipinas Basketball League
Nang mameligro ang San Juan, si John Wilson ang naging tagasagip. Nakagawa si Wilson ng 7 puntos upang iangat ang Knights mula sa pagkakalugmok at hiyain ang Pasay Voyagers, 75-74, sa opener ng Chooks-to-Go MPBL Lakan Season North division quarterfinal series noong Sabado ng gabi sa FilOil Flying V Center sa San Juan.
Ang pagkakaligtas ng Knights ay sinelyuhan ng una at ikalawang free throws mula kay Jhonard Clarito sa nalalabing 9 na segundo upang gapiin ang Pampanga Giant Lanterns na siyang nanaig din sa Bataan Risers, 71-64 sa isa pang quarterfinal playoffs.
Lumarga ang Pampanga sa 17-0 start at lumagare ng 30 puntos bago ang halftime at itarak ang ika-9 na diretsong panalo mula pa noong Nob. 22, 2019.
Pinalakas ni Axel Iñigo, lumarga ang Voyagers sa 64-55 bago palamangin ang Knights, 67-64 sa nalalabing 3:41 na minuto. Lumalaban ang Voyagers para ipatas ang laro ng tatlong beses, ang huli ay sa 71 puntos na gumitla sa tres ni Wilson. Sa kalamangan ng San Juan, 75-71, bumuslo si Ron Lastimosa ng Pasay ng tres para sa final tally.
Malaking puntos ang binakas ni Mike Ayonayon sa San Juan sa 15 puntos kasunod ni Clarito na may 13 dagdag ang 9 boards habang si Wilson ay may 11, lahat ay pawang sa 4th quarter. Nakabasket si Iñigo ng 24 puntos para sa Pasay, may 13 mula kay Elmar Moradas at 11 kay Jaypee Belencion.
Hindi tulad ng Knights, wala pa ring pressure ang Giant Lanterns hanggang sa pagtatapos ng 3rd quarter, 56-40. Gumana ang tikas nina Reed Juntilla at Gino Jumao-as sa 4th quarter upang manatiling buhay ang pag-asa ng Bataan, 58-64 pero winasiwas ito ng Pampanga mula sa back-to-back baskets nina Hernandez at Mark Cruz.
Tumapos si Hernandez ng 18 points, 13 kay Cervantes at 10 kay Jeric Fabian bagay na ikinatuwa ni coach Bong Ramos. May 19 puntos ang Bataan at 10 rebound mula kay Ryan Batin, 12 points at 6 boards kay Jumao-as at 10 points kay Juntilla. Uulitin ng Pampanga ang semis slot kapag nakasagupa na ang Bataan sa Peb. 20 ng 8:30 p.m. sa Angeles University Foundation Arena sa Peb. 20. Ang parehong sitwasyon ay ganoon din sa San Juan kontra Pasay ng 6:30 p.m.





Comments