Kung gusto raw tumagal ang pagsasama... Hirit ni Annabelle: Sarah, tigilan mo na ang kaseselos kay R
- Vinia Vivar
- Feb 17, 2020
- 2 min read

Ngayon malapit nang ikasal sina Richard Gutierrez and Sarah Lahbati, ang payo ni Annabelle Rama sa kanyang daughter-in-law-to-be ay tigilan na ang pagseselos.
“Ang message ko kay Sarah,” sabi ni Tita Annabelle nang mag-guest sila sa Magandang Buhay, “tigilan mo na ang pagseselos kasi ikakasal ka na.”
Katabi ni Tita Annabelle sina Richard at Sarah na guests din, pati na ang asawa niyang si Eddie Gutierrez.
Nagtawanan na lang sina Sarah at Chard.
Patuloy ni Tita Annabelle, “Kasi hindi ko rin siya mabe-blame, okay? Katulad ko rin, kasi para kaming iisa, pareho kami ng buhay na dalawa, eh. Pangarap niya, mapunta kay Richard, ganu’n din ako.”
Nagtawanan ulit sina Chard and Sarah.
“So, ang advice ko sa kanya, kung gusto mong magtagal kayo ni Richard, ‘wag na siyang magseselos. Tapos, ‘pag mainit ang ulo ng isa, dapat pasensiya na siya, para magtagal. ‘Wag niyang salubungin ang init ng ulo,” sey pa ni Tita Annabelle.
Dagdag pa niya, ang payo niyang ito ay para rin naman sa lahat dahil marami nga raw ang naghihiwalay ngayon, at inihalimbawa pa ang panganay niyang anak na si Ruffa Gutierrez na pagkatapos ng 3 taong kasal ay naghiwalay din.
Nagpasalamat naman sina Chard at Sarah sa mga magulang nila sa lahat ng pagmamahal, pagtulong at sakripisyong ginawa ng mga ito para sa kanila.
Ayon kay Sarah, parang pangalawa na niyang ina si Tita Annabelle at akala lang daw natin ay mataray ito pero sa mga kaibigan at pamilya, sobrang maalaga raw ito.
Kapansin-pansin na hindi pa mom and dad ang tawag ni Sarah kina Annabelle at Eddie kundi tito at tita pa lang. Marahil, dahil siguro hindi pa sila legal na mag-asawa ni Chard.





Comments